TASHA knew that this wasn't a good idea. Not a good idea at all. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa kanyang mga magulang at mga kapatid ang lahat, kung bakit niya kasama ngayon si Red Esquivel, at bakit nila kailangang manatili roon ng dalawang araw.
Huminga siya ng malalim bago bumaba sa kotse ni Red. Nginitian siya nito na hindi niya pinansin. Mabilis na kinuha ng binata ang mga maleta nila sa likod ng sasakyan at mabilis ring bumalik sa tabi niya. Inagaw pa nga nito ang kanyang malaking gym bag para ito na ang magbuhat papasok ng kanilang bahay.
Luma ang disenyo ng labas ng kanilang bahay pero moderno ang loob. Dahil sa mahilig maglakbay kung saan-saan ang kanyang mga magulang, puno rin ang kanilang bahay ng iba't-ibang bagay mula sa mga lugar na napuntahan ng mga ito – mula sa maliliit na figurines at keychains galing sa Hongkong, hanggang sa mga banga mula Malaysia at mga furniture na galing Italya.
Cluttered, but it was an organized clutter. Iyon ang madalas sabihin ng kanyang limangpung-taong gulang na ina sa tuwing magrereklamo siya at ang kanyang ama tungkol sa mga abubot sa kabuuan ng kanilang bahay. Dating teacher ang kanyang ina samantalang retired seaman ang kanyang ama kaya naman hinahayaan na nilang magkakapatid na mag-enjoy ang mga ito sa pagbisita sa iba't-ibang bansa.
Nakita niyang nakatayo sa pintuan ang bihis na bihis na kanyang ina, ama at dalawang nakababatang kapatid na babae, na lahat ay matamang nakatingin sa kanya. Kasing-tangkad ni Red ang kanyang ama sa taas na 6' 1" at pareho naman sila ng kanyang ina na nasa 5' 4 lamang. Sa ama niya namana ang singkit na mga mata samantalang sa ina naman ang height, ang kulay at halos lahat na. Maging ang dalawa niyang mga kapatid ay singkit rin, pero mas matangkad ang mga na ito sa kanya ng dalawa o tatlong pulgada.
Nang tuluyan silang makalapit ay kaagad siyang nagmano sa mga magulang, at nagulat siya nang gayahin iyon ni Red. Hindi rin maikakailang nagulat ang mga ito sa ginawa ng binata. Ang dalawa niyang kapatid, todo ang ngiti habang nagbubulungan. Alam niyang nakilala ng mga ito si Red – sino ba naman ang hindi?
"Dad, mom, si...Red po," pakilala niya sa katabi, na alam naman niyang hindi na kailangan. "Red, that's my mom, my dad...si Yunnie and Karen," pakilala naman niya sa pamilya. Agad na nakipagkamay ang mga kapatid niya kay Red at kailangan pa niyang tingnan ng masama ang mga ito para lumayo.
"Good evening po," magalang na sagot ni Red. Nginitian lang nito sina Yunnie at Karen, na talaga namang kilig na kilig.
Malayung-malayo sa pananamit niya ang estilo nina Yunnie at Karen. Dahil na rin sa edad ng mga kapatid na seventeen at eighteen, sumusunod ang mga ito sa uso, at mahilig rin sa Kpop at Korean fashion kaya naman kung hindi makukulay ang mga suot ng mga ito ay hindi na siya nagugulat sa tuwing nakikita niya ang mga ito na naka-wig na iba-iba rin ang kulay.
"So, is he your..." sabi ng kanyang ama. Todo ngiti ang mga magulang ni Tasha, lalo na ang kanyang ina na fan rin ng mga kanta ni Red. At maging ang dalawa niyang nakababatang kapatid na halatang pinipigilang yakapin ang bisita.
"H-He's my friend, Dad...kaklase ko siya noon sa elementary and high school. May reunion kami bukas and...fully booked na 'yung hotel sa Poblacion, kaya-"
Bahagyang napangiti ang nanay niya. "We know, darling, no need to explain. Natanggap namin ang text mo kaninang umaga. We're just curious if Red is your-"
"F-friend, Mom. He's just a friend!" nanlalaki ang matang sabi ni Tasha.
Hindi niya alam kung ano ang una niyang mararamdaman, ang mahiya sa mga magulang dahil sa bigla'ng pag-uwi niya ng lalaki sa bahay, o ang mahiya kay Red dahil sa inaasal ng mga magulang.
Hindi na niya matandaan kung gaano katagal na siyang pinipilit ng mga ito na magkaroon ng kasintahan, dahil sa napag-iiwanan na raw siya ng dalawa niyang nakababatang kapatid. Si Yunnie, who just turned eighteen ay nakaka-tatlong nobyo na samantalang si Karen ay kahit seventeen pa lamang ay may kasintahan na rin. Yes, that's how cool her parents are.
BINABASA MO ANG
Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (COMPLETE) by Tamara Cee
Romancereleased under PHR Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (5906) by Tamara Cee COPYRIGHT © 2016 by Precious Pages Corporation Ang cute na kuwento nina Tasha at Red ay ang pangalawang libro ko (Tamara Cee) na nailathala ng Precious Hear...