MALAPIT na noong lumubog ang araw at naglalakad na sila noon sa tabing-dagat, malapit sa kanilang bahay. Matapos makapaglibot sa parke ay doon nagyaya si Red dahil matagal na rin raw itong hindi nakakapaglakad-lakad nang ganoon. Hndi tuloy niya maiwasang maawa kay Red dahil hindi pala kasing-perpekto ang buhay nito katulad ng inaakala niya.
Sabi pa nga nito, matagal na nitong hindi nagagawa ang mga ginawa nila nang araw na iyon – ang mamasyal, kumain ng street food, sumakay sa tricycle at maglakad sa daan nang walang nagbabantay. Nagawa nila ang lahat ng iyon nang hindi ito pinagkaguluhan, na hindi niya alam kung dahil sa 'disguise' nitong sweater, fisherman's cap at aviator glasses, o talagang walang nakakakilala rito sa kanilang liblib na bayan.
"Maganda talaga dito sa inyo."
At muli, sinabi iyon ni Red nang mataman ang pagkakatingin sa kanya.
Habang naglalakad ay inaayos niya ang kanyang buhok dahil sa malakas na ihip ng hangin. Sila lamang dalawa ni Red ang nasa panig na iyon ng tabing-dagat. Magkatabi silang naglalakad, paminsan-minsan siyang inaalalayan ni Red lalo na sa tuwing may malaking alon na tatama sa kanilang mga paa. At pakiramdam niya ay para siyang bidang babae sa isa sa mga music videos ng Red Jazz. Matagal nang pinapangarap ni Tasha ang ganitong eksena – ang may makasama sa paglalakad sa tabing-dagat. Pero hindi niya akalain na ang makakasama niya roon ay si Red Esquivel, na dati niyang iniiwasan.
Saglit na huminto si Red sa paglalakad nang tumunog ang cellphone nito. Tiningnan nito iyon at muling isinilid sa bulsa. Wala pang dalawang minuto ay muli iyong tumunog at muli, hindi nito iyon sinagot.
"Bakit hindi mo sagutin?" takang tanong ni Tasha. "Baka importante...b-baka girlfriend mo."
Natawa si Red sabay tingin sa kanya. "Hindi ba ikaw ang girlfriend ko?"
Pinanlakihan niya iyon ng mata at lalo lang natawa si Red.
"Ikaw e," sabi nito na diretsong nakatingin sa kanya. "Kung sinasagot mo na ba ako, e di we will live happily ever after na."
Those eyes, that smile. Tumalikod na lang si Tasha para iwasan ang mga titig na iyon ni Red. Ano ba ang dapat niyang maging reaksiyon doon? Wala, kaya nanahimik na lamang siya at nauna na sa paglalakad. Humabol na lang sa kanya si Red.
Hindi niya dapat kasama ang tao'ng iyon, at hindi dapat nito ginugulo ang utak niya. Ngayon, pati yata puso niya ay napasok na nito. Nagkapawala siya ng malalim na buntung-hininga. Narito siya ngayon kasama si Red, nakakausap, nakakabiruan. Parang nasa ulap ang pakiramdam niya ngayon. She's feeling confused, something that she hates to go through but at this moment, she loves it.
"What are you thinking?" narinig niyang tanong ni Red. Binagalan nito nang bahagya ang paglalakad.
Umiling lang siya. Masyado siyang maraming iniisip at baka abutin sila ng hatinggabi kapag sinabi niya ang lahat ng iyon.
"Si...Rafael?"
Umiling siya.
"Hindi mo na siya iniisip?" muli nitong tanong.
Napahinto si Tasha sa paglalakad dahil napansin niyang hindi na niya kasabay si Red. Nilingon niya ito. Sa totoo lang, hindi na niya naiisip ang tungkol kay Rafael dahil ibang tao na ang parating laman ng isip, at ng puso niya.
"Seriously, do you still love him after all these time?" Lumapit sa kanya nang kaunti si Red pero para kay Tasha ay masyado iyong malapit.
Napalunok siya. Ano ba namang mga tanong iyon. At lalo lang nadagdagan ang kaba niya nang hawakan nito ang isa niyang kamay.
"H-hindi mo ba siya kayang kalimutan? Narito naman ako."
"R-Red-"
"Call me Jared, please," pakiusap nito, kasabay ng maganda nitong ngiti. "Nami-miss ko na 'yung totoo kong pangalan, e."
BINABASA MO ANG
Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (COMPLETE) by Tamara Cee
Romansareleased under PHR Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (5906) by Tamara Cee COPYRIGHT © 2016 by Precious Pages Corporation Ang cute na kuwento nina Tasha at Red ay ang pangalawang libro ko (Tamara Cee) na nailathala ng Precious Hear...