Chapter 5

1.6K 47 1
                                    

"HEY."

Tiningala iyon ni Tasha at nakitang nakatayo sa harap niya si Red. Malaki ang pagkakangiti nito, na kabaligtaran ng itsura niya ngayon.

"Bakit ganyan ang itsura mo, hindi ba dapat masaya ka, at long last, nagkita na kayo ni Rafael?"

Lumabi siya. "How about that dinner? Now, I'm hungry."

Natawa lamang si Red at tinawag ang waiter na tila naintindihan na ang ibig niyang sabihin. Naupo ito sa upuan sa harap niya at hindi niya kayang iwasan ang mapang-asar na mga tingin nito. Alam niyang alam nitong disappointed siya pero siyempre, hindi niya iyon aaminin kailanman.

They had the interview while having dinner. Isang oras lamang dapat ang itatakbo ng interview na iyon pero hindi na namalayan ni Tasha ang takbo ng oras habang nagaganap ang pag-uusap nila ni Red. Although they've been classmates since forever, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makausap ito tulad ngayon. Hindi niya inaasahan na madaldal pala ito at marami itong kuwento - tungkol sa bagong album ng banda, sa mga araw-araw nilang gawain at maging sa pamilya nito sa Brazil na matagal na nitong hindi nakikita. It's as if he has been asleep for the longest time at ngayon lamang ito nagkaroon ng kausap.

"Ang daldal ko, ano," sabi ni Red nang maihatid na siya nito sa apartment. It was almost midnight. Hawak na ni Tasha ang interior door handle ng kotse at handa nang bumaba nang muling magsalita si Red. "Sorry ha."

"Kaysa naman sa hindi ka magsalita, e di lagot ako sa editor-in-chief namin. Anyway, thank you sa interview, Red," sabi niya at tuluyan nang binuksan ang pinto at bumaba.

"Tasha, wait!"

Napahinto si Tasha sa paglalakad nang makita si Red na bumaba mula sa magara nitong kotse. Tumingin-tingin muna ito sa paligid bago lumapit sa kanya.

"How is it with...Rafael?"

Matagal pa bago niya nasagot iyon. "Well, h-he's...a manager at a convenient store, a law-abiding citizen. Hindi naman siya katulad ng iniisip mo na drug addict o ex-convict," sabi niya. "K-kaya lang-"

"Kaya lang mataba na siya at wala nang buhok, ganoon ba?" natatawa nitong tanong.

"Hindi ako ganoon kababaw," sabi niya sabay irap.

"So, ano 'yung 'kaya lang'?"

"Kaya lang...he's married."

Sa simula ay parang nagulat si Red pero hindi nakaligtas kay Tasha ang simple nitong pagngiti. "Well, t-that's too bad for him..." sabi nito matapos magkibit-balikat. "...but I guess that's good news for me." Ngumiti ito katulad ng ngiting ginagamit nito sa mga commercials at magazine covers. Melting. "Ibig sabihin, p'wede nang maging tayo."

And then he was gone. Kumaway pa ito bago tuluyang paandarin ang sasakyan.

Ibig sabihin, p'wede nang maging tayo. Kung bakit ba naman kasi kailangan pa iyong sabihin lalaking iyon? Tuloy, tiyak siyang hindi na siya makakatulog nang maayos simula ngayon.

Masayang nanghihinayang na nahihiya si Tasha sa naging kaganapan nang gabing iyon. Masaya dahil sa wakas, nakuha na niya ang hinihinging interview ng magazine nila kay Red, nanghihinayang dahil hindi katulad ng inaasahan niya ang naging muling pagkikita nila ni Rafael at nahihiya dahil hindi na dapat nalaman ni Red ang lahat ng iyon. Tuloy, sigurado siyang hindi titigil ang binata sa pang-aasar sa kanya.

Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya disappointed sa pagkikita nila ni Rafael. Sa totoo lang, hindi siya makapaniwalang iyon nga si Rafael at panalangin niya ay nananaginip lang ang nangyaring pagkikita nila at sana ay hindi na lamang iyon nangyari. Kung hindi lang dahil sa nunal nito sa itaas na bahagi ng kanan nitong kilay ay sasabihin talaga niyang ibang tao ang nakaharap niya nang gabing iyon.

Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (COMPLETE) by Tamara CeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon