"S-SALAMAT sa paghatid."
Ilang minuto pa ang lumipas mula nang pumarada ang sasakyan ni Red sa tapat ng apartment ni Tasha bago siya nakapagsalita. Buong biyahe pabalik ng Maynila ay tahimik lang sila, pilit iniiwasan ang bagay na dapat pag-usapan. Alam iyon ni Tasha, na ayaw pag-usapan ni Red ang tungkol kay Rafael, kaya hindi na siya nangahas na buksan ang paksang iyon. Dahan-dahang binuksan ni Tasha ang pinto ng kotse, na agad namang pinigilan ni Red.
Isinara uli niya ang pinto at hinintay na magsalita ang katabi. He looked furious and frustrated at the same time, but he didn't do anything about it.
"Tasha, tell me what's on your mind."
What's on her mind? Iniisip niya na sana ay hindi na lang nangyari 'yung nangyari kagabi para tapos na ang problema. But it was Rafael Ochoa – her flesh and bone Rafael. Iniisip niya kung sino ang ipinakilala sa kanyang 'Rafael' ni Red pero parang nalunok niya ang sariling dila. Nahihiya siyang buksan ang paksang iyon at hindi niya alam kung paano iyon sisimulan. Nang wala siyang naisagot ay bahagyang napailing si Red at humigpit ang kapit doon sa manibela.
"Now that the real guy is back, ano nang mangyayari?" sa wakas ay tanong ni Red.
Ni hindi mabanggit ni Red ang pangalan ni Rafael. Gustong kiligin ni Tasha dahil halatang nagseselos ito pero parang hindi iyon tama sa mga oras na iyon dahil mas naguguluhan siya sa mga nangyari kaysa sa kinikilig.
"Tell me, Tasha, mahal mo ba talaga ako o naaawa ka lang sa 'kin at napilitan ka lang na sagutin ako?"
"Red, h-hindi gano'n, kaya lang-" Kitang-kita niya ang magkakahalong lungkot, galit at pagkalito sa mga mata ni Red at bahagya siyang naapektuhan roon. She has never seen him this agitated about something, about someone.
"Kaya lang ano? Na dahil sa bumalik na ang totoong Rafael, baliwala na ako, ganoon ba?" Inalis ni Red ang kamay niyang nakahawak sa kamay nito at tiningnan siyang mabuti. "Kapag pinapili ba kita kung siya o ako, ako ba ang pipiliin mo?"
Sa paraan ng pagtitig nito sa kanya ay parang gusto na lang niya na makulong sa mga bisig nito. "Please Red, don't do this."
"Oo o hindi lang naman Tasha, bakit hindi mo pa masagot?" Nagpakawala ng mapait na tawa si Red at pagkatapos ay napailing. Isinuot nitong muli ang sunglasses at itinuon ang atensiyon sa daan. "What if I tell you that he's got a girlfriend and he's living with her?" mahina nitong sabi nang medyo nahimasmasan ito. "...and he's got two kids, that he just read your blog and just wanted to take advantage of you?"
Naningkit ang mga mata ni Tasha. What was he talking about? "Naririnig mo ba ang sarili mo, Red?" taka niyang tanong. "Hindi mo kilala 'yung tao para pagsalitaan siya ng ganyan!" Napalitan ng galit ang kaninang pagkalito niyang nararamdaman. Agad siyang bumaba mula sa kotse at kinuha ang mga gamit sa likod niyon.
"At ikaw, kilala mo ba siya?" nagngangalit na tanong ni Red. Namumula ang mukha nito sa sobrang galit. Mabilis siyang sinundan nito hanggang sa pinto ng kanyang apartment. "After fourteen years, ngayon mo na lang uli siya nakita, at pagkatapos ano, you're in love with him all over again just like that?"
Hindi niya naituloy ang pagbubukas ng pinto at napatingin siya sa mga mata nito. "Do you really have to stoop down to that level? Hindi mo siya kailangang siraan sa akin, Red."
Napailing ito. "Oo nga naman pala. Dahil kahit ano namang sabihin ko, hindi ka rin naman maniniwala, hindi ba? Fine, I get it." Itinaas nito ang dalawang kamay, tanda ng pagsuko.
"R-Red..."
Nang tuluyang nakaalis si Red ay napayuko siya para itago ang nangingilid niyang luha.
BINABASA MO ANG
Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (COMPLETE) by Tamara Cee
Romancereleased under PHR Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (5906) by Tamara Cee COPYRIGHT © 2016 by Precious Pages Corporation Ang cute na kuwento nina Tasha at Red ay ang pangalawang libro ko (Tamara Cee) na nailathala ng Precious Hear...