Chapter 4

1.6K 52 0
                                    

"SO ano girl, iba-blog mo ba 'yung tungkol sa date ninyo ni Red?" kinikilig na tanong ni Jene kay Tasha na papikit-pikit pa ang mga mata.

"I-I'll think about it," sagot ni Tasha.

Ano nga ba ang isusulat niya tungkol doon? That she had a great night with Red? For sure, maraming magre-react, hindi lang ang mga followers ng kanyang blog, kundi lalong higit ang mga taga-hanga at taga-suporta ni Red. Kagabi lamang, nakita niya kung paano siya tingnan ng masama ng mga babae'ng fans ni Red dahil lang sa kasama at kausap niya ito. Ayaw niyang kumain ng death threats for breakfast.

"And FYI, hindi iyon date."

"Ano'ng tawag mo roon?" panunukso nitong tanong. "Hinatid ka pa kamo sa bahay nang disoras ng gabi, right?"

"Dapat lang naman niya akong ihatid. Hindi ako gagabihin kung hindi dahil sa kanya," inis niyang sabi. Nang tingnan niya si Jene ay nakapalumbaba ito at nakatanaw sa kawalan na tila ba nangagarap.

"Ipakilala mo naman ako kay Red," nakangiti nitong sabi. "Papa-pirmahan ko 'yung mga CDs ko sa kanya...please, please Tasha, kapag nagkita kayo uli, ipakilala mo naman ako, please?"

Umiling si Tasha. "Sorry Jene, malabo nang magkita uli kami."

"Bakit naman?"

"Dahil una, wala nang rason para magkita pa kami. At pangalawa, ayoko na siyang makita, ever."

"Bakit na naman, dahil diyan sa Rafael mo?"

Napangiti siya. "Kaya kung gusto mo ang Red na iyon, iyong-iyo na siya."

"E ikaw ang gusto ng labs ko, paano?"

Umiling-iling siya habang nagta-type sa keyboard ng laptop. "Gusto? Oo nga, gustong-gusto niya ako – na asarin at istorbohin." Pagkatapos na pagkatapos niyang sabihin iyon ay biglang tumunog ang cellphone niya at kung puwede lang niyang itapon iyon ay ginawa na niya. "See? Gustong-gusto talaga niyang sinisira ang araw ko!"

Hinayaan ni Tasha na tumunog iyon nang tumunog hanggang sa magsawa na ang tumatawag pero pinagtitinginan na siya ng mga kasama nila roon sa opisina dahil sa nakakaistorbong pag-ring ng kanyang cellphone.

"What is it this time, Mr. Esquivel?" iritable niyang tanong. Nasapo niya ang noo dahil sa sobrang inis samantalang naroon lang sa tabi niya si Jene na tinakpan ang bibig para pigilan ang sarili'ng tumili.

"Rafael called me, may emergency raw last night kaya hindi siya nakarating. He's asking if you still want to meet him," narinig niyang sabi nito.

Of course she wants to meet Rafael but - "Baka naman talagang ginu-good time mo lang ako, ha?"

"Ikaw na nga ang tinutulungan, ikaw pang nagdududa."

"Kasi naman, kailan ka pa naging isang good Samaritan at bigla-bigla ay naisipan mo 'kong tulungan, ha?"

"Kung ayaw mong maniwala, fine. Rafael is gonna be at Mandy's tonight. Just sayin'."

And then he hung up.

Hindi siya pupunta, iyon ang napagdesisyunan ni Tasha. At hindi siya magpapauto sa Red na iyon. "Manigas ka kahihintay!" nanggigigil niyang sabi sabay turo doon sa cellphone na para bang ito mismo si Red.

"OMG, Tasha! Puwede bang ako na lang ang makipag-meet sa kanya?"

Tumango nang maraming tango si Tattiana. "Please, Jene. Tatanawin kong malaking utang na loob 'yon sayo."

Pagkatapos ay pareho silang natawa, na madali ring natapos dahil may iniabot sa kanyang maliit na papel si Kyla, ang sekretarya ng kanilang editor-in-chief. It's a memo from Miss Novie, about her project - si Red. Ang ang sabi - Need the article about Red Jazz ASAP.

Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (COMPLETE) by Tamara CeeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon