TEASER

773 17 9
                                    

Tama naman kasi si Coby. Ang pagiging maangas niya ay paraan para para mawala sa kanya ang pagkailang na nadarama. Nasabi niya na willing siyang mag-take ng risk dahil interesado siya sa lalaking nasa harapan niya. Alam niya kung sino siya pero para siyang ibang tao sa paraan ng pakikitungo niya kay Coby. Ibang-iba talaga siya sa totoong siya.

Ang isa pang bagay na nagbibigay ng pagkailang kay Chase bukod sa mga salitang binitawan nito ay ang pagiging mapagmatyag nito. Hindi niya akalain na mahahalata nito at itatanong kung 'Chester' nga ba ang totoo niyang pangalan.

"Kumain ka na. Alam kong gwapo ako at pwedeng pang-ulam pero hindi ako makakain." Nakangising sabi nito.

"Ganyan ka ba talaga?"

"Ikaw. Tatanungin kita, ganyan ka rin ba talaga?"

"Sa 'yo lang at sa dalawa kong bestfriend."

"Kung makakilos ka parang close na close tayo. Mapagtiwala ka ba talaga?"

"Minsan. Sa 'yo nagtitiwala ako."

Nag-iwas siya ng tingin sa sinabi nito. May tao ba talagang katulad nito? Taong ang bilis magtiwala. Parang walang masamang tinapay sa ibang tao. Parang hindi naghihinala. Lihim siyang napailing. Kaya naman may mga taong naloloko dahil mabilis magtiwala sa kapwa.

"Kung ako sa 'yo 'wag kang ganyan."

Kumunot ang noo nito. "Bakit? Hindi ka ba dapat pagkatiwalaan?"

Nasukol siya sa tanong nito. Hindi siya nakasagot. Sa halip na sumagot ay sa pagkain niya itinuon ang pansin. Napatingin siya kay Coby nang mahina itong tumawa.

"Anong nakakatawa?"

"Sa mga kinikilos mo, mas lalo tuloy tumindi ang hinala ko na binigay mo sa 'kin ang fake na pangalan. Hindi Chester ang totoo mong pangalan."

"Isipin mo na kung ano ang gusto mong isipin. Kumain ka na lang ulit. Kakain na rin ako."

"Okay. Sinabi mo, eh. Pero gusto kita talaga."

Natigil siya sa aktong pagsubo. "Talagang pinanindigan mo ang pagiging direkta."

"Sa talagang gusto kita, eh. Kailangan kong maging direkta. Time is running, you know."

"Ikain mo na lang 'yan."

"Gusto ko talaga ang attitude mo. Maangas pero concern ka naman."

"Ang dami mong napapansin."

"Sa interesante ka."

Napailing na lang siya. Itinuon niya ang pansin sa pagkain. Naiilang pa rin siya dahil nakatingin pa rin sa kanya si Coby kahit hindi niya ito tinitingnan. Sa tingin pa lang nito ay para na siyang sinisilaban. Hindi siya mapakali. Kahit masarap ang kinakain niya ay hindi niya iyon masyadong malunok. Peste lang ito.

"Kumain ka na. Alam kong gwapo ako pero hindi mo ako makakain." Panggagaya niya sa sinabi nito kanina na ikinatawa nito ng malakas.

"You are really interesting. I like you and I'm feeling that the feeling was mutual."

"Sige. Para tumigil ka na sa kakukulit mo, gusto rin kita. Ngayon, masaya ka na?"

Lumuwang ang pagkakangiti nito. "As I thought. So, may pag-asa na pwedeng maging tayo?"

Chasing ChaseWhere stories live. Discover now