CHAPTER ELEVEN

137 10 5
                                    


[ C H A P T E R  E L E V E N ]


NASA isang sulok ng basketball court si Chase kasama ang mga kapatid. Hanggang ngayon ay hindi pa lubusan na pumapasok sa isipan niya ang nangyari sa nanay nila. Ang katotohanan na wala na ito ay ayaw tanggapin ng isip niya. Hindi niya kayang wala ang nanay niya. His mother was the source of his strenght. Kapag pakiramdam niya ay walang-wala siya ay ito lang ang naiisip niya. His mother served as his light in the dark path that he was taking sometimes. Bakit ngayon pa nawala ang nanay niya? Bakit kung kailan wala pa siyang napapatunayan? Hindi man lamang niya natupad ang mga pangarap niya at mabigyan ito ng isang masayang ngiti sa labi.

Hindi niya mapigilan ang sarili na umiyak. Ang mahinang pag-iyak ay tuluyan nang lumakas. Humagulgol siya habang yakap si Carl na umiiyak din. Umiiyak din si Caloy at Charmaine. Pare-pareho sila ng nararamdaman ngunit alam niya na mas matindi ang impact niyon sa tatlo niyang nakababatang kapatid. Kung siya nga ay sobrang nalukungkot at hindi mapigilan ang sarili sa pag-iyak, ang mga ito pa kaya na may muwang na sa mundo at alam na ang kaibahan ng tama sa mali sa murang edad.

Hinayaan niya ang sarili na umiyak. Iiyak siya ngayon. Kung pwedeng maubos ang luha, sasairin na niya iyon ngayon. Kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang maging malakas sa harap ng mga kapatid. Sa kanya ang mga ito kukuha ng lakas at siya lang ang tanging maaasahan. Niyakap niya ng mas mahigpit pa si Carl saka kumalas sa pagkakayakap dito. Isa-isa niyang niyakap ang mga kapatid na walang tigil sa pag-iyak.

"Kaya natin 'to, nandito naman si kuya, ako ang mag-aalaga sa inyo. Hindi ko kayo papabayaan." Pagkonsola niya sa mga ito. Walang tumugon sa mga ito. Lumapit lang  sa kanya si Carl at muli siyang niyakap.



SA TULONG ng mga kapitbahay nila Chase, kahit nasunugan, sa pangunguna ni Mang Renan, naiburol ang mama niya sa basketball court. Nagdesisyon siya na huwag nang buksan pa ang kabaong ng nanay niya. Habang nakaburol ito ay nanatiling nakasara ang kabaong. Alam niya na hindi kaaya-aya ang hitsura ng nanay nila dahil nasunog ito. Gusto niyang panatilihin sa utak niya pati sa mga kapatid ang maaliwalas na mukha ng nanay nila. Ang masaya nitong mukha habang nakikita na masaya silang magkakapatid. Tanging ang litrato nito na naisalba sa sunog ang nakalagay sa ibabaw ng kabaong nito. Sa litratong iyon ay kitang-kita pa ang kasiglahan ng nanay niya sa kabila ng sakit na mayroon ito. Hindi na naman niya maiwasan ang maiyak sa pagkakataong iyon ganunpaman pinigilan niya ang sarii. Masakit na ang lalamunan niya sa pagpigil ng luha ngunit kailangan niyang gawin. Iiyak siya. Magiging emosyonal kapag nag-iisa at hindi sa harap ng mga kapatid niya na hindi mapigilan ang pagluha. Kailangan niyang magpakatatag para sa mga ito. Siya ang magiging sandalan nito kaya dapat siyang maging matibay na pundasyon.

Tumingala siya. Ipinikit niya ang mga mata para mapigilan ang pagbuhos ng luha. In this kind of situation aside from standing firm and not showing his emotion, he also needed to be sane and act straight. As he said, grieving and crying like a baby can be keep and showed it a little late. Of course, he mind if there are audiences especially his siblings.

Mula sa pagtingin sa kabaong ng ina, napatingin si Chase sa taong tumabi sa kanya. Si Mang Renan iyon.

"Bakit hindi ka muna magpahinga. Wala ka pang tulog simula nang mangyari ang sunog."

"Ayoko pong magpahinga." Maikling sagot niya rito.

"Kahit ayaw mo kailangan mong pilitin ang sarili mo." Anito.

"Gusto kong alam ko ang lahat na nangyayari sa paligid ko. Ayokong matulog o magpahinga man lang, Mang Renan."

"Sa ginagawa mo ika naman ang magkakasakit niyan. Paano na lang ang mga kapatid mo kung mangyari iyon?" Napatingin siya rito. Makikita sa mukha nito ang simpatya habang nakatingin sa kanya. "Alam ko na nahihirapan ka sa pagpapakita ng totoo mong emosyon para sa mga kapatid mo kaya naiintindihan kita. Masakit ang mawalan ng taong mahalaga sa 'yo lalo na at ang mama mo lang ang nasasandalan mo."

Chasing ChaseWhere stories live. Discover now