CHAPTER ONE

357 13 3
                                    

CHAPTER ONE



MAY PAGMAMADALI sa ginawa niyang pagtakbo. Hindi siya dapat maabutan ng mga alagad ng batas na naghahabol sa kanya. Hindi dapat. Dahil kung mangyayari iyon tiyak niya na katapusan na ng maliligayang araw niya sa pagiging malaya.

Lumiko siya sa isang madilim na eskinita. Doon, tiyak niya na hindi siya maabutan. Madilim kaya makakapagtago siya. Kahit na gumamit pa ng flashlight ang mga ito o ng kung anuman na pampailaw, alam niya na makakalayo siya. Sanay na siya sa ganitong uri ng trabaho. Tatakbo nang mabilis. Lilinlangin ang mga parak para hindi siya maabutan. Magpapasikot-sikot siya sa mga eskinita ng kanilang lugar. Ahh. Napakadali na sa kanya ng ganitong trabaho. Kung trabaho ngang maituturing ang ganito.

Huminto siya sa isang tabi ng wala nang marinig na ingay ng mga taong naghahabol sa kanya. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Hingal-kabayo na siya. Kahit na sabihin pa niyang sanay na siya sa ganitong uri ng trabaho ---masamang trabaho--- ay hindi pa rin niya maiwasan ang kabahan. Nakokonsensiya ba siya? Oo. Pero ang konsensiya na iyon ay pang-ibabaw lamang. Mas nananaig kasi sa kanya ang kaalaman na kung hindi niya gagawin ang ganito ay siya --- ang pamilya niya ang magiging kawawa.

Napasandal siya sa pader saka tiningnan ang hawak na bag na na-snatch niya mula sa isang ale. Piyesta sa kanilang lugar kaya marami siyang prospect at heto na nga. Ang matandang ale ang naging prospect niya. Sa hawak pa lamang niyang bag, sa bigat nito, alam niya na maraming mapapakinabangan sa loob niyon. Pero saka na niya titingnan at uusisain ang laman ng pulang bag na iyon. Hindi sa ganitong lugar niya titingnan ang laman niyon. Kailangan niyang makatiyak.

Bago siya lumabas sa eskinitang iyon, sinigurado niya munang walang tao sa daan na pwedeng makakita sa kanya. Sa uri ng hanapbuhay niya, dapat maging masusi siya, maging mapamatyag at huwag basta-basta maniniwala sa mga taong nasa paligid niya. Itinago niya ang may kaliitan na bag sa loob ng damit niya, inipit niya ng garter ng shorts para huwag matanggal at masuportahan iyon kahit na hindi niya hinahawakan.

Nang wala siyang makita na aaligid-aligid na tao saka siya nagdesisyon na lumabas. Walang pagmamadali sa kanyang paglalakad. Cool siya para walang makahalata. Nang makalayo na siya sa lugar na iyon na walang nakakahalata, lumiko siya sa kanto saka nagtungo sa isang abandonadong bahay. Doon niya titingnan ang laman ng bag na nakuha niya. Sa halip na sa gate na bukas dumaan, mas pinili niya ang mag-over the bakod. Diretso siyang pumasok sa main door. Tumambad sa kanya ang maalikabok at may mga sapot ng gagamba na silid tanggapan. Sa sulok ay may mga nakatuping karton na tinutulugan niya tuwing doon siya nagpapalipas ng oras at nagpapahinga. Walang kaso sa kanya ang ganitong lugar. Ang tanging mahalaga ay ang mairaos niya ang antok at makita ang laman ng bag.

Inayos niya ang mga karton para makaupo siya. Binuksan niya ang bag at ibinuhos ang buong laman niyon sa lapag. Tumambad sa kanya ang iilan na alahas at ang makapal na pitaka. Puno ng pananabik na kinuha niya iyon at binuksan. Napangiti siya nang makita ang makapal na lilibuhin sa loob niyon. Panalo! Makakabili na siya ng kailangan nila sa bahay, mga kailangan ng ina na may sakit at pambaon ng mga kapatid sa eskwelahan.

Sa kabila ng ngiti, naluha siya. Luha ng kasiyahan para  sa nakuha niya na biyaya. Biyaya na dinukot niya. Biyaya na alam niyang galing sa masama.







"SAAN KA galing, Chase?"

Napahinto si Chase sa akmang paglalakad at pagpunta sa lapag na hihigaan niya nang marinig ang nanghihinang tinig ng ina.

"Bakit gising pa po kayo?" Tanong niya sa halip na sagutin ang tanong nito. Paraan niya iyon para maiwasan ang sumagot sa pag-uusisa nito. May pag-iingat na lumapit siya rito nang tumayo ito. Inalalayan niya ito. "Dapat po nagpapahinga na kayo," aniya

Chasing ChaseWhere stories live. Discover now