CHAPTER NINE

133 8 7
                                    

[ C H A P T E R N I N E ]




ANG TOTOO hindi alam ni Chase kung tama ba ang naging aksyon niya kahapon patungkol sa huli nilang pag-uusap ni Coby sa waiting shade. Sinasabi ng utak niya na mali iyon dahil sa gagawin niya ay mas mapapalapit siya rito. Posibleng mabuko nito ang mga bagay na mali sa kanya. Pero sinasabi ng puso niya na tama ang naging desisyon niya dahil mapapalapit siya kay Coby. Posible na mas tumaas pa ang antas ng relasyon nilang dalawa. Mas makikilala niya ito at makakasama nang matagal. Parehong may punto ang tuwid na sinasabi ng utak niya at ang kinikilig na puso niya.

Si Coby...

Pagakatapos nilang mag-usap kahapon sa waiting shed ay umuwi na rin siya. Nagpumilit pa nga itong ihatid siya ngunit tumanggi na siya. Oo. Sinabi niya na gusto niyang makilala siya nito at siya dito pero hindi pa siya handang ipakita rito kung gaano kalayo ang agwat ng pamumuhay nila, kung gaano siya naiiba dito.

Okay sa kanya ang iilan na bagay para makilala siya nito pero hindi sa mas pribado na level. Ayaw pa niyang ibukas sa pamilya niya kung ano ba siya. Sa mga nangyari kahapon ay medyo may kabilisan ang pagtanggap ni Chase sa sarili kung ano ba siya. Kung ano nga ba talaga siya... Walang masama sa pagpapakatotoo lalo na kung wala naman siyang masasaktan. Kung malalaman man ng mama at kapatid niya kung ano siya, alam niya na matatanggap siya ng mga ito.

Ang hindi niya lang gusto ay makita siya ni Coby sa kalagayan na kinasasadlakan niya. Hindi niya kaya. Ngayon nga ay may kaba na siya sa puso kapag nalaman ni Coby ang nagawa niya rito. May kaba at takot sa kanya. Dalawang emosyon na sadyang masidhi ngayon na si Coby ang sangkot.

Napabuntung-hininga siya.




COBY COULDN'T stop his self from smiling. He knew that he already looking like a fool but he doesn't minding it. Until now, the thing happened between him and Chester still playing in his mind. He was also excited meeting him this afternoon for their first date or whatever other people called it. Mas nangingibabaw sa kanya ang kagustuhan na mas makilala pa ito. Gusto niya na buksan ang sarili niya rito sa pribado at mas personal na paraan. At umaasa siya na ganoon din ito sa kanya.

Chester.

Aaaminin ni Coby sa sarili na may pagdududa siya sa pangalan na ibinigay sa kanya nito. Kahapon kasi ay may mga pagkakataon na hindi agad ito tumutugon kapag tinatawag niya. Siyempre naghinala siya. Its like that there were a secret that he need to reveal in Chester. Gayunman, nagpapasidhi iyon sa kanya para mas mapalapit dito.

Mula sa pagde-daydream, nagising siya nang marinig ang katok sa pintuan ng kanyang kwarto. Kasunod ang pagpasok ni Yaya Des.

"Gising ka na pala," anito.

"Kanina pa po."

"Aba! Himala iyon, Coby. Ngayon lang kita nakitang gumising nang maaga. Anong meron, anak?"

"Wala naman po."

"Talaga?" Hindi naniniwalang sabi nito. "Sa pagkakakilala ko kasi sa 'yo, gumigising ka nang maaga kapag excited ka. Sabihin mo sa 'kin, may mangyayari bang ka-excite-excite ngayon?"

Napangiti siya nang maluwang. Talagang kilala siya ni Yaya Des. Alam na alam nito ang mga bagay tungkol sa kanya pati ang mga aksyon niya. Hindi naman na nakapagtataka dahil ito na ang tumayo niyang pangalawang ina.

"May tao pong nagbibigay ng excitement sa akin, Yaya. May nagugutuhan na po ako."

Mukhang na-curious ito sa sinabi niya. Lumapit ito sa kanya saka umupo sa tabi niya. "Sino ang taong ito? Pwede ko bang malaman ang pangalan?"

Chasing ChaseWhere stories live. Discover now