CHAPTER FOURTEEN

328 8 12
                                    


CHAPTER FOURTEEN


TATLONG araw na ang pamamalagi ng kapatid ni Chase sa ospital. Kahit hindi sinasabi ni Coby alam niya na mataas na ang babayaran nila. Si Coby nga rin ang nagbayad ng unang payment nila kinabukasan ng ma-admit si Carl. Nahihiya na siya rito sa totoo lang pero kinikimkim na lang niya sa sarili. Wala naman kasing magagawa ang hiya niya. Pero kagaya nga ng sabi niya, hindi naman siya tuluyang aasa kay Coby. Kailangan pa rin niyang gumawa ng paraan.

Nasa bahay siya ngayon ng taong mahal. Pinauwi siya nito para maligo at makatulog ng komportable. Hindi naman dapat siya uuwi ngunit mapilit si Coby. Nakapagpahinga naman siya kahit papaano. Nakatulog din ng mahigit sa dalawang oras.

Tapos na siyang maligo at handa na sanang umalis nang makadama ng uhaw. Papasok na sana siya sa dining area nang mapahinto sa narinig. May kausap si Yaya Des sa cellphone nito at base sa naririnig, ang mommy iyon ni Coby. Naka-loudspeaker ang cellphone kaya malinaw ang pagkakarinig niya ng usapan.

Dagdag pasanin. Pabigat. Malas. Dagdag sa budget. Kawawa.

Iyon ang mga salitang tumino sa isip ni Chase habang naririnig ang mga ito. Hindi man galing sa bibig ng dalawa, iyon ang nararamdaman niya. Pati si Coby hindi alam ang pinagdadaanan ng ina nito sa ibang bansa. Delay ang sweldo nito dahil nagkaroon ng problema sa pinagtatrabahuan. Nakonsulta na ito ni Coby sa problemang dala nila kaya pati ito namomroblema kung saan kukuha ng pera. Sobrang bait ng mga kasama ni Coby sa bahay lalo na ang ina nito na minsan na rin niyang nakausap. Kaya nga hindi rin niya maiwasan ang makadama ng pagkakakonsensya sa ginawa niya kay Coby noon.

Ayaw niyang maging pabigat. Ayaw niyang maging pasanin sila ng mga taong wala naman dapat kinalaman sa buhay nilang magkakapatid. Higit sa lahat, ayaw niyang bigyan ng problema ang taong mahal niya. Kailangan na niyang gumawa ng aksyon ngunit nakadama siya ng panghihina sa isipin na paano at saan siya kukuha ng pera. Hindi niya mapigilan ang maluha. Nang dalhin niya ang kapatid sa ospital wala siyang pakialam kahit na wala silang pera pero ngayon na pwede na itong lumabas sobra na ang pakialam niya at sumasakit ang ulo niya sa problema. Bukod kay Coby at Mang Renan wala na siyang kilalang tao na pwedeng malapitan.

Bago pa siya makita ni Yaya Des lumabas na siya ng bahay. Nag-iisip pa rin. Biglang sumagi sa utak niya ang mga gadget ni Coby na sa pangangalaga niya. Pwede niyang ibenta iyon. Pwedeng-pwede pero ayaw na niyang dagdagan pa ang kasalanan niya rito. Hindi niya pwedeng galawin iyon lalo na at may balak siyang ibalik iyon dito at aminin ang nagawa niyang kasalanan. Gusto na rin kasi niyang maging totoo rito at mawalan ng agam-agam sa pakikipagrelasyon dito. But still, it was up for Coby if he will accept him or not.

Maglalakad na lang siya palabas ng subdivision. Kailangan niya talagang makaisip ng paraan. Paliko na sana siya nang biglang maalala ang eksenang nakita sa eskinita.

Si Harvey.


IMBES na tumuloy sa ospital, sa bahay ni Harvey tumuloy si Chase. Nagbabakasakali siyang makikita ang lalaki sa bahay nito kahit alam niyang imposible pa iyon. Alas-tres pa lang ng hapon at mukhang sa ganitong oras ay nasa labas pa ito ng bahay. Kahit na ganoon kailangan pa rin niyang sumubok. Kumatok siya sa pinto ng bahay. Ilang beses niyang ginawa iyon ngunit walang nagbubukas. Lumakas tuloy ang hinala niya na wala pa talaga ito sa bahay.

Hindi niya maiwasan ang malungkot. Si Harvey na lang ang tanging paraan para magkaroon siya ng pera. Gagamitin niya ang katawan para makakuha rito ng pera. Malaking halaga ang kailangan niya kaya gagawin niya ang lahat para rito kahit labag man sa kalooban niya.

Muli siyang kumatok ngunit wala pa ring nagbukas ng pintuan. Siguro malas talaga siya. Kung kailan kailangan na kailangan niya ng tulong nito saka naman niya hindi ito mahagilap. Nanghihinang napaupo na lang siya. Sinapo niya ang mukha ng kamay. Sobra siyang napu-frustrate. Lahat na lang hindi sumasang-ayon sa kagustuhan niya. Para siyang pinagtataksilan talaga ng tadhana.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing ChaseWhere stories live. Discover now