CHAPTER FIVE

174 7 12
                                    


[ CHAPTER FIVE ]


"BAKIT mo hinayaan na mangyari na naman sa 'yo ang ganoon na bagay?"

Napasimangot si Coby  sa pambungad na tanong ng mommy niya sa kanya pagkabukas na pagkabukas niya ng video call nito sa account niya sa Skype para makausap ito. Tatlong araw na rin ang nakakaraan mula nang mangyari sa kanya ang manakawan ng bag. Nitong nakalipas kasing mga araw ay abala ang mommy niya sa trabaho nito. Registered nurse ito at sa Canada ipinagpatuloy ang profession dahil sa mataas na sweldo. Posible rin itong maging head nurse sa ospital na pinagtatrabahuan nito. Mukhang ngayon lang ito nagkaroon ng mahaba-habang oras para kumustahin o kaya ay sermunan siya at ang nangyari sa kanya.

"Hindi ko naman po iyon inaasahan." Maiksi niyang sagot.

"Pangalawang beses na nangyari ang ganoon sa 'yo, Coby."

"At pareho pong hindi ko iyon inaasahan."

Napabuntung-hininga ang mommy niya. "Kumusta ka naman, anak?"

"Okay lang po. This coming day mag-e-enrol na ako sa SAU. Late enrollee nga lang."

"Mabuti naman kung ganoon. Pagbutihin mo ang pag-aaral mo."

"Of course I will, 'My. Katulad nga ng sinasabi n'yo para sa akin naman ito."

"It's good to know that you still remember what I told you. It will also be better if in your everyday life you're applying it."

"Bumalik na naman po kayo sa topic na 'yan."

"I can't help it, son. Nag-aalala lang ako sa 'yo. Pati ang Yaya Des mo nag-aalala. Mag-iingat ka naman. Parang lagi ka na lang kasi nata-target ng magnanakaw."

"Dalawang beses pa lang."

Nandidilat ang mata nito sa screen. "Huwag mong ila-lang ang dalawang beses na 'yon, Coby. Paano kung hindi ka lang ninakawan? Paano kung... Oh my God! Hindi ko ma-imagine na mangyari iyon sa 'yo anak. Nakakatakot."

"I'm okay, 'My, so you better stop yourself from worrying so much. Nag-iingat naman ako pero may mga bagay talaga na hindi inaasahan."

"Pero pwedeng maiwasan."

"Yeah." Pagsang-ayon niya. Hindi itinago na napipilitan lang.

"Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kapag napahamak ka, Coby. Alam mong nag-iisa ka lang. No one can ever replace you." Madamdaming pahayag nito.

Katulad ng ibang ina ang mommy niya. May pagkakataon na masyado itong nagiging madrama. Ang pagiging over protective rin nito ay lumalampas isangdaan na porsiyento. Not that he was complaining, sometimes he kinda like it because her mother's concern only showed how much she cared for him even the distance between them was miles away. Nami-miss niya nga ito pero hindi niya ma-imagine ang ganoon na pag-aalala at pagka-protective nito once na makauwi ito sa kanilang bansa. Tiyak niya kasi na masasakal siya.

"'My, nakuha n'yo po ba 'yan sa mga pinapanood niyo na teledramas?" Pabiro niyang tanong.

"Loko. Seryoso ako rito, Coby. Nag-iisa ka lang. Ikaw na ang kayamanan ko."

Oo. Siya. Si Colbert Byron Castillo ay nag-iisang anak ng mama niya mula sa papa niya na nakilala niya pero blurry ang vision na nakatatak sa isipan niya. Sa pagkakatanda niya ay limang taong gulang siya nang maghiwalay ang mga magulang niya. Sa murang edad nakita niya kung paano umiyak ang mommy niya at kung paano nito sisihin ang daddy niya. Maka-ina siya kaya kampi siya sa mommy niya. Dahil sa miserableng kalagayan na nakita niya noon sa ina niya, itinanim niya sa isipan na hindi niya gusto ang ama. Na pasakit ang tanging dulot nito sa kanila, na mas mabuti ang kalagayan nila na wala ito sa piling nilang mag-ina. Until now, that hatred still in his heart.

Chasing ChaseWhere stories live. Discover now