CHAPTER SIX

163 8 7
                                    


[ C H A P T E R S I X ]



"COBY!"

Ngiti ang itinugon ni Coby sa malakas na pagtawag sa kanya ni Vienne. Pagkatapos niyang kumain sa labas, mamasyal sa loob ng mall at tumingin-tingin sa mga damit ay nagtungo siya sa bahay ng kanyang kaibigan. Eksakto naman na nasa bahay ito. Iyon nga lang at nag-iisa. Himala sa himalang hindi nito kasama si Brax.

"Hindi mo kasama si Brax?"

"Hindi. Busy 'yon ngayon. Ayoko namang makaistorbo kaya hindi kami magkasama."

"Ah. Ganoon. Labas tayo, Vienne."

"Saan naman tayo pupunta? Ikaw pala. Mula nang dumating ka hindi ka nagparamdam. Bakit ngayon ka lang nagpunta dito?"

"Eh, alam ko naman kasi na busy kayo ni Brax. Saka ayoko namang makaistorbo sa labing-labing n'yong dalawa. Tiyak ko na ma-o-OP lang ako sa inyo."

"Hindi naman." Agad na tanggi ni Vienne.

"Hindi raw. Alam ko na mangyayari iyon. Ano labas tayo?"

"Sige. Pagbibigyan kita. Saan tayo pupunta pala?"

"Kakain. Kung gusto mo inom tayo."

"Hindi ako umiinom."

"Pero tumitikim ka ng alak. Gusto kong uminom ngayon. Samahan mo na lang akong uminom. Sa tabi na lang kita."

Umiling si Vienne. "Kahit kailan talaga, ano? Kung ano ang gusto mong gawin, gusto mo magawa agad. Sige. Mag-inom ka. Titikim lang ako pero hindi ako magpapakalasaing."

"Hindi naman hard ang iinumin natin."

"Siguraduhin mo lang. Dapat lang na hindi hard kasi hindi kita makakaya kapag nalasing ka."

Natawa siya. "Para namang hindi nalalayo ang height mo sa akin kung makapag-salita ka, Vienne."

"Hindi naman talaga."

"Tara na nga." Yaya niya.

"Okay. Basta. Huwag masaydong iinom." Paalala pa nito.

"Opo, Mr. Santos. Hindi masyadong iinom."

Nauwi sina Coby at Vienne sa isang bar. Kabubukas pa lang niyon kaya naman kaunting parokyano pa lang ang nasa loob. Pinili ni Coby na pumwesto sila ni Vienne sa isang sulok. Iyong pwesto na hindi sila basta makikita at mahahalata lalo na at hindi pa naman sa wastong edad si Vienne. Seventeen pa lang ito hindi katulad nila ni Brax na nasa wasto ng edad.

"Anong gusto mong inumin?"

"Ano bang iinumin mo?" Ganting-tanong nito.

"Beer na lang. Sa 'yo juice na lang inumin mo. O-order na rin ako ng maraming pulutan para sa 'yo."

Ngumiti si Vienne bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. Masyado itong abalang tumingin-tingin sa kanilang paligid na parang may hinahanap na interesanteng bagay ngunit wala naman. Dim ang ilaw sa loob ng bar at ang ilaw na nagmumula sa dancing ball mula sa makeshift stage ang nagbibigay ng mas maliwanag na ilaw.

Napansin ni Coby na mupa nang pumasok sila sa bar ay sa kanila na ni Vienne natutok ang tingin ng iba. Kahit ngayon nga na nakaupo na sila sa sulok ay mayroon pang mata ang nakatingin sa kanila. Hindi naman iyon kataka-taka dahil aminado siya na looker siya, iyon nga lang at tunog mayabang. Napangisi siya sa naiisip sa sarili. Minsan talaga may kayabangan siyang taglay pero wala namang tatalo sa kayabangan ng bestfriend niyang si Brax.

Pero paano niya ba naging bestfriend si Brax? It was during elementary days. May pagkakatulad kung paano nila naging bestfriend si Vienne. Ngunit aminado si Coby na para siyang third wheel sa mga ito. Missing in action naman kasi siya ng ipagtanggol ni Brax si Vienne. Nang mga panahon kasi iyon ay abala naman siya sa ginagawa kaya si Brax lang ang lumapit kay Vienne para nga ipagtanggol ito sa bully noon. He got along with Vienne when Brax introduce him to him. Pagkatapos niyon, may times na sabay sila ni Brax na ipagtanggol si Vienne sa ibang bata na nambu-bully dito. During the process, they became inseperable with Vienne lalo na si Brax. Noon pa man iba na ang tingin niya sa closeness at protectiveness na ipinapakita ni Brax kay Vienne. Tama nga siya dahil ang pagiging  ganoon ni Brax kay Vienne ay nag-lead sa pagkakagustuhan ng dalawa. Not minding what other people will say. At iyon din ang gusto niya in case na magkaroon siya ng sariling karelasyon.

Chasing ChaseWhere stories live. Discover now