CHAPTER FOUR

175 10 39
                                    


[ C H A P T E R F O U R ]


HALOS abutin nang kalahating oras ang pagbuhos ng malakas na ulan. Nang tumila agad na umalis ang lalaking nagngangalang Darwin. May pagmamadali sa pagkilos nito na tila may iniiwasan. Ipinagkibit-balikat na lamang niya ang kilos nitong iyon. Nang magpakilala ang lalaki kanina, pagkatapos nilang magkamay ay hindi na niya ito pinansin. Itinutok niya ang paningin sa buhos ng ulan at sa kalsadang medyo mataas na ang tubig galing sa kanal na nandodoon. Paminsan-minsan ay napapatingin siya sa dalawa. Madalas niyang nahuhuli na nakatingin sa kanya si Darwin. Kapag nahuhuli niya ito, nangingiti lang na parang balewala lang ang ginagawa nito. Ang lalaking nakatayo naman kanina ay nakaupo na ilang distansya ang layo sa kanya. Nagpaalam  pa sa kanya si Darwin bago ito umalis at hindi man lang tinapunan ng tingin ang lalaking kasama nitong gumawa ng milagro.

Tumila na ang ulan ngunit wala pang balak umalis si Chase kahit na kanina ay uwing-uwi na siya.

Napatingin siya sa lalaki nang magsalita ito.

"Harvey pala, pare."

"Chester."

Walang kamayan ang naganap. Tinginan lamang.

"Palagi ka ba dito dumadaan tuwing gabi?" Tanong ni Harvey.

"Minsanan lang naman. Minsan lang akong gabihin sa pag-uwi." Pagsisinungaling niya. Siyempre kailangan niyang magsinungaling para hindi nito malaman kung ano ba talaga ang pakay niya sa lugar na ito. Hindi rin ito ang unang pagkikita nilang dalawa. Malay ba niya kung namukhaan siya nito sa una nilang pagkikita.

"Ganoon ba. Gusto mong tumagay?"

Marahan siyang umiling. "Hindi ako umiinom kapag walang okasyon."

"Ah. Sayang gusto ko pa naman sanang magsaya kasama ang bagong kakilala." Nanghihinyang na sabi nito.

"Pasensya na talaga. Hindi ako palainom ng alak."

"Walang kaso. Malay mo sa susunod mayaya na kita."

Katulad ng natatandaan ni Chase: Kapag may alak, may balak. Hindi iyon nalalayong mangyari sa kanya base na rin sa uri ng tingin na ibinibigay sa kanya ni Harvey. Lantaran itong tumingin. Tila nang-aakit din.

Pero napaisip siya. Si Harvey ay isa sa taong pwede niyang hiraman ng pera. Malaking isda ito kung sakali lalo na at mukhang may kaya ito. Disenteng tingnan at hindi halatang lalaki rin ang hanap. Sa tantiya niya nasa mid-twenties na ang edad nito. Mukha ring may stable na trabaho.

Napatingin siya rito. Huling-huli niyang nakatingin ito sa pundilyo ng suot niyang maong na short na medyo bakat sa kanya. Ngumiti lang ito. Hindi man lang nahiya.

"Ano? Payag ka na ba?"

"Ano bang iinumin natin?"

"Kung ano ang gusto mo. Ako naman ang taya."

"Sige. Payag ako. Ilang bote lang tama na sa akin."

Napangiti ito nang maluwang. Sayang-saya sa narinig. "Tara kung ganoon. Punta tayo sa apartment ko."

"Mag-isa ka lang ba sa bahay mo?"

"Oo. Matagal na rin akong nagsosolo."

"Ah." Kung ganoon, mag-isa lang pala ito. Malaking katanungan sa kanya kung bakit hindi nito ginagawa ang bagay na iyon sa bahay nito para walang istorbo. Bakit sa daan pa kung saan malaki ang posibilidad na may makakita sa kahalayan na ginagawa nito.





HINDI na nagtaka si Chase nang makita ang apartment na inuuwian ni Harvey. Malaki iyon para sa katulad nito na nag-iisa lang sa bahay. Dalawang palapag at may nakaparadang motorsiklo at kotse sa loob ng garahe. Mababa lang ang bakod kaya kitang-kita niya ang loob ng garahe. Nang makapasok sila ng bahay, kitang-kita ni Chase ang karangyaan doon. May malaking flat screen television sa sala at ang sofa ay talaga namang nakakatakam na higaan tuwing magpapahinga. May nakapatong na flower vase sa center table na hugis bilog, salamin iyon.

Chasing ChaseWhere stories live. Discover now