CHAPTER TEN

140 8 4
                                    

CHAPTER TEN



NATAHIMIK SI Chase sa sinabi ni Coby. Napatingin na lang siya rito. Kung magsasalita kasi siya ay hindi niya alam kung ano ang masasabi niya. Sa nakikita niya na kilos at sa mga naririnig rito ay hindi talaga ito papipigil sa pagpapakita ng nararamdaman at panunuyo sa kanya. Aminado naman ai Chase na tinatablan siya sa pinagagawa nito. Imagine na lang na sa isang linggo pa lang buhat nang magkakilala sila ngunit ang pagpupursige nito na maging sila ay sadyang nakakakuha ng atensyon. Ang mga bagay na sinabi nito ay nakakadala rin. Ngunit kung sakaling bigyan niya ng pagkakataon ang sarili na maging sila, matatanggap kaya nito ang katotohanan tungkol sa kanya? Kung sasabihin niya ba rito ang mga itinatago niya mananatili ba ito sa tabi niya?

Kahit na gustong-gusto niyang aminin dito ang totoo niyang nararamdaman ay sobrang pagpipigil ang ginagawa niya. Siguro nga ay tinamaan na siya rito. At hindi lang iyon basta-basta dahil kinakain ng pagkakagusto niya rito ang kanyang sistema. Hindi ito basta-basta mawala sa isipan niya. Anumang oras ay pwede siyang bumigay kay Coby. Ang pagpupursige nito ay masyadong nakakadala.

"O, nawalan ka na ng imik. Chase, huwag mo na kasing pahirapan ang sarili mo. Alam mo at alam ko. Alam natin pareho na pareho lang ang nararamdaman natin sa isa't-isa. Ano ba kasi ang ikinatatakot mo?"

Hindi siya umimik.

"Natatakot ka ba sa sasabihin ng ibang tao sa magiging relasyon natin? O natatakot ka na..."

"Hindi ako natatakot. Bakit naman ako matatakot Ano ba kasi ang hindi mo naiintindihan sa pagtanggi ko sa 'yo? Saka ano ba ang alam mo sa nararamdaman ko? Pwede ba, Coby, huwag mo nga akong pangunahan sa kung ano ang dapat at hindi dapat kong gawin. Sa kung ano ba ang dapat kung maramdaman."

Humugot ito ng isang malalim na pahinga. "Bakit ba ang tigas mo? Bakit ba ang tindi ng pagtanggi mo sa totoo mong nararamdaman? At hindi naman kita pinapangunahan sa kung ano ang dapat mong gawin at kung ano ang dapat mong maramdaman dahil ikaw mismo alam mo ang totoong pagtingin mo sa akin. Natatakot ka, eh. Hindi ko alam kung sa akin o sa ibang tao. O baka naman sa sarili mo. Natatakot ka na tuluyan ka ng mahuog sa akin."

"Pwede ba? Kung wala ka namang sasabihin tumahimik ka na lang."

"Sige!" Naasar na sabi nito. "Titigil ako sa pagsasabi ng kung ano-anu basta mapatunayan mo na wala kang nararamdaman sa akin."

"Sige!" Pagsang-ayon niya. "Papatunayan ko sa 'yo na wala akong nararamdaman sa 'yo."

"Then kiss me." Hamon nito.

Natigilan siya. Napatingin dito ng mataman. Una sa mata patungo sa mapulang labi nito. Napalunok siya ng lihim saka iniiwas ang tingin sa labi nito.

Ang mahalikan ulit ito ang isa sa bagay na gustong-gusto niyang gawin. Pero baka ipakanulo niya ang sarili kung hahalikan niya ito sa labi. Ayaw niyang mangyari iyon dahil alam niya na kapag nagdikit na ang labi nila ay hindi na niya mapipigilan ang sarili na ipadama rito ang totoo niyang nararamdaman. Ngayon, para siyang nakatali sa dalawang poste. Ang isang poste na gusto at isang ayaw.

Pero kailangan niyang gawin ang bagay na ito para sa ikatatahimik ng buhay niya. Alam naman niya kung paano magkontrol kaya iyon na lang ang gagawin niya.

Sa dahan-dahan na pagkilos, lumapit siya kay Coby hanggang sa ilang sentimetro na lang ang sa pagitan nila. Kitang-kita niya ang repleksyon sa mata nito na seryoso ang pagkakatingin sa kanya. Naghihintay kung anong sunod niyang aksyon. Halos hindi naman nagkakalayo ang height nila. Mas lumapit siya rito hanggang sa wala ng nakapagitan sa kanila. Tiningnan niya ang labi nito. Sa marahan na paggalaw inilapat niya ang labi sa labi nito.

Chasing ChaseWhere stories live. Discover now