CHAPTER TWO

208 11 45
                                    

CHAPTER TWO


PARANG bato na natulos sa kinauupuan si Coby.  Hindi siya agad nakagalaw. Napatunganga sa bilis nang pagtakbo ng lalaking dinagit ang bag niya. Saka lang sa kanya tumama ang reyalisasyon na nanakawan siya.

"Shit!" Ang malutong niyang mura saka tumakbo patungo sa direksyon ng lalaking kumuha ng bag niya. "Shit! Shit! Shit!" Ang sunod-sunod na mura niya habang mabilis na tumatakbo, hindi inaalis ang paningin sa lalaking mabilis na tumakbo. Parang si Flash ng League of Heroes. Ang bilis nitong tumakbo. Alam niyang hindi niya maaabutan ngunit nagbabakasakali siya na maaabutan niya nga. Sanay naman siyang tumakbo pero hindi sa ganitong sitwasyon. He was frustrated. Gusto niyang batukan, kutusan o saktan ang sarili sa katangahan na nangyari sa kanya. Para siyang maiiyak sa galit. Para sa sarili at sa pagnanakaw. Bakit ba kasi ang tanga niya? Masyado siyang nakampante sa lugar nila. Hindi naman niya alam na may mga magnanakaw na rin pala dito.

Oh heck! One month lang siyang nawala sa lugar nila. Kauuwi pa lang niya noong isang araw. Halos dalawang araw pa lang pala mula nang dumating siya sa bansa. At heto ngayon ang nangyari sa kanya.

"Ang tanga mo Coby!" Ang mahina niyang sabi sa sarili. May panggigigil talaga.

Tumakbo pa siya nang mabilis. Pilit na sinundan niya ang kabilisan ng lalaki sa pagtakbo ngunit masyado na itong malayo. Lumiko at bwisit! Hindi na niya nasundan. Huminto siya. Hingal na hingal. Namaywang siya. Nanghihinayang sa nawala sa kanya na sadya naman talagang nakapanghihinayang.

"Damn! Damn! Double damn! Shit!" He cursed. Just to ease the stupidity and the frustration he was feeling at the moment. Iilang bagay na importante sa kanya ang doon. Ang mga papeles niya. Ang passport pati ang pitaka niya na may ten thosand na cash na kawi-withdraw niya sa ATM niya. Nandoon ang powerbank, charger, tablet. Pati ang Ipad niya nandodoon! Bakit ba ang malas niya? God! Paano niya mababawi ang mga ninakaw sa kanya? Paano niya mahahanap ang lalaki? Sino ang pupuntahan niya? He couldn't even see the guys face. Kung tutungo siya sa police station at magsusumbong para sa nakuha niyang gamit, ano ang statement na sasabihin niya maliban sa nanakawan siya?

Napabuntung-hininga siya. He was doomed! Really doom!

Napatingin siya sa kanyang bulsa kung saan Nagba-vibrate ang cellphone niya. Ang aparato na lang na iyon ang natira sa kanya. Mabuti na lamang pala at hindi niya iyon inilagay sa loob ng bag niya kundi... Ahh! Ayaw na niyang isipin pa dahil nabu-bwisit lang siya. Mas nabu-bwisit pa.

Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa saka tiningnan kung sino ang tumatawag. Si Vienne iyon, ang isa sa bestfriend niya.

"Bakit?" He tried his best to sound cool. Ayaw niyang malaman nito ang kinahantungan ng pag-iisa niya sa pamamasyal. Sana pala talaga sumunod siya sa sinabi nito na sa makalawa na lamang namasyal. Hayst! Sometimes being stubborn and hardheaded can really lead to something you will regret. At ito na ang resulta ng pagmamagaling niya. Naman!

"Wala ka raw sa bahay n'yo."

"Yeah."

"Saan ka ba nagpunta?"

"Namasyal."

"Sino kasama mo?"

"Ako lang."

"Bakit ba ang tipid mong magsalita?" Naiiritang tanong ng mabait niyang kaibigan na minsan ay may topak din dahil nahahawa sa war freak pa nilang bestfriend na si Brax.

"Bakit ba, Colbert Byron?" Tanong nito. Ulit. Talagang binuo ang pangalan niya na mahaba.

Hindi siya sumagot. Ayaw niyang sumagot. Dahil kung sasagot siya alam niya na magli-lead lang iyon sa pagsasabi niya ng nangyari sa kanya. Ganoon pa naman ang ugali niya. He could tell things about his whereabouts and doings to some people. Lalo na sa bestfriend niya na si Vienne.

Chasing ChaseWhere stories live. Discover now