Hindi man madaling kalimutan ang unang pag-ibig, hindi iyon sapat na dahilan para hayaan ang sariling makulong sa nakaraan...
~~
Dahil sa isang blog post ay nagulo ang tahimik na buhay ni Tasha Suarez—tungkol iyon sa kanyang pagsintang-pururot, na naging usap-usapan sa mundo ng social media. At sa muling paghahanap sa kanyang puppy love na si Rafael, nakilala niya si Red Esquivel, ang Sly Crooner ng Red Jazz band. Sanay sa limelight ang lalaki at sa mundo kung saan lahat ay nakukuha nito. Pero para kay Tasha, isang salita lang ang makapaglalarawan kay Red—overrated. Dahil masyado itong sikat, masyadong magaling, masyadong guwapo, at masyadong mayabang.
Pero hindi rin maikakaila ni Tasha na ang mga titig lamang ni Red ang nakakapagpawala sa kanya sa sarili. Paano pa kaya kung matikman niya ang mapang-akit nitong mga halik?
Paano na ang naipangako ni Tasha sa sarili na hinding-hindi niya ipagpapalit ang kanyang unang pag-ibig kahit na kanino? Kaya ba niyang talikuran ang kanyang unang pag-ibig para sa isang taong puno ng pagkukunwari?~~
Available na po ito sa lahat ng National Bookstores, Precious Pages Stores at sa iba pang bookstores! Maraming salamat po sa mga nakabili na at sa mga bibili pa. :)
BINABASA MO ANG
Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (COMPLETE) by Tamara Cee
Romancereleased under PHR Tasha's Blog Post #934: Pagsintang-Pururot Revisited (5906) by Tamara Cee COPYRIGHT © 2016 by Precious Pages Corporation Ang cute na kuwento nina Tasha at Red ay ang pangalawang libro ko (Tamara Cee) na nailathala ng Precious Hear...