Aking kaibigan,
Na laging nandiyan.
Sa saya at lungkot,
Kailanman hindi nababagot.Hindi ko inaasahan,
Na ika'y lilisan.
Lalayo sa amin,
Para sa ikakabuti natin.Kung may darating mang bago,
Ikaw pa rin hanggang sa dulo.
Walang tatalo sa shungang tulad mo,
Dahil nag-iisa ka lang sa mundo.Sana huwag mo kaming kalimutan,
Kahit wala kami diyan.
Kung makahanap kaman ng iba,
Sana maging masaya ka.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoetryAng bawat tula ay nagkakaroon ng sariling emosyon. Binabalot ng kasiyahan at kalungkutan. Minsan makakahugot ka dito ng lakas at determinasyon. Kaya kung ako sayo gawin mo itong inspirasyon. ❤