Alam kung ika'y laging nandiyan,
Bumaha man o umulan.
Ika'y aking sandigan,
Sa kalungkutan at kahirapan.Hindi magsisisi,
Na ikaw ay pinili.
Nag-iisa ka lang,
Simula nong ako'y isilang.Naging masama akong tao,
Pero tinanggap mo parin ako.
Sa dami ng kasalanan ko,
Binura mo lahat at pinatawad mo ako.Wala kang katulad,
Dahil nag-iisa kang mapalad.
Laking pasasalamat ko sayo,
Sa pagsubaybay sakin hanggang sa dulo ng buhay ko.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoetryAng bawat tula ay nagkakaroon ng sariling emosyon. Binabalot ng kasiyahan at kalungkutan. Minsan makakahugot ka dito ng lakas at determinasyon. Kaya kung ako sayo gawin mo itong inspirasyon. ❤