Sa M.U tayo nagsimula,
Magandang Usapan sa isang salita.
Ang gaganda ng bawat salitang binibitawan mo,
Kaya hindi na ako na bigla nung ako'y binitawan mo.May 'I luv you' kapang nalalaman,
Eh wrong spelling naman.
Sobrang sweet mo talaga,
Kaya nga ako nagpakatanga diba?Akala ko magtatagal pa 'tayo',
Pero simula't sapol wala naman palang TAYO.
'The feeling is mutual' yan ang sabi mo,
Wala namang 'joke' sa huli kaya umasa ako.Pero may isang hiling ako,
Na After 1 year kung magkita man tayo,
Sana maalala mo,
Ang magagandang kasinungalingang sinabi mo.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoesíaAng bawat tula ay nagkakaroon ng sariling emosyon. Binabalot ng kasiyahan at kalungkutan. Minsan makakahugot ka dito ng lakas at determinasyon. Kaya kung ako sayo gawin mo itong inspirasyon. ❤