Para sa mga Ama

445 8 0
                                    

Lalaking mabait at mapagbigay,
Siya ang aking Tatay.
Pinasukan lahat ng trabaho,
Mapa-aral lang ako.

Saludo ako sa kanya,
Dahil lahat ay kanyang kinaya.
Tag-init man o tag-ulan,
Hindi mo siya mapipigilan.

Minsan ako'y kanyang napapagalitan,
Dahil nag-aalala siya sa aking kaligtasan.
Diploma ang tanging maipamana,
Mula sa pagod at hirap ng aking Ama.

Sobrang swerte ko sa mundo,
Dahil siya ang naging Papa ko.
Hindi man siya perpekto,
"The best daddy" naman siya ng buhay ko.

Ang Aking Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon