Nilamon na naman ng problema,
Ang mukhang di maipinta.
Hindi alam ang gagawin,
Kung pano ito limutin.Palagi nalang lutang,
At hindi makapaglibang.
Ang daming maling naririnig,
Para buhay niya'y mayanig.Dulot ng mapanghusgang mga tao,
Unti-unting nasisira ang kanyang mundo.
Tinapangan ang kanyang sarili,
Upang hindi madaling maapi.Ang saya niyang tao kung titigan,
Pero ang daming problemang nilalabanan.
Masayahin siya tuwing umaga,
At tamang iyak naman kapag siya'y matutulog na.

BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoetryAng bawat tula ay nagkakaroon ng sariling emosyon. Binabalot ng kasiyahan at kalungkutan. Minsan makakahugot ka dito ng lakas at determinasyon. Kaya kung ako sayo gawin mo itong inspirasyon. ❤