Para sa mga Chismosa

387 3 0
                                        

Paglabas ng bahay,
Usapan agad ng mga tambay.
Sa bawat damit na sinusuot,
May maling salitang naiidulot.

Maling galaw mo lang,
Chismiss nila ay hindi na mabilang.
CCTV kung tawagin,
Mga chismosang walang tamang gawin.

Sila'y salot sa lipunan,
At nakakasira ng katauhan.
Sila'y mapanghusga,
Na sumisira ng buhay ng iba.

Takot ba kayong malampasan,
Kaya kami'y inyong sinisiraan?
Diyos lamang ang dapat humusga,
Hindi kayong mga chismosa.

Ang Aking Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon