Duwag sa pag-ibig

113 2 0
                                    

Naalala mo pa ba,
Noong tayo'y mga bata pa.
Ang hilig-hilig mong mang-aasar,
Sabay sabing "papakasalan kita sa harap ng altar".

Hindi ko mapagtanto na hanggang sa lumaki na tayo,
Ikaw pa rin ang nilalaman ng puso ko.
Nakakalungkot lang kasi, hindi tayo magkapareho,
Dahil hindi mo naman pala ako gusto.

Sabi nga nila 'puppy love' lang daw kasi bata ka pa,
Eh pano paglumaki na, PUPPY LOVE pa rin ba?
Ang daming tanong na gusto kung sabihin sayo,
Pero di ko masabi dahil, PIPI ako .

Pipi, hindi dahil sa hindi ako makapagsalita,
Kung hindi dahil sa, Takot akong malaman mo na Mahal Kita.
Duwag na kung duwag,
Iyan naman ang nararapat sa akin na itawag.

Ang Aking Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon