VIRUS

115 2 0
                                    

Dumating na ang araw,
Kung saan hindi na pweding dumalaw.
Bawat isa ay natatakot at binabalot nang pangamba,
Sa kung anong pwede mangyari sa mga buhay nila.

Ang daming pangyayari, o ganap ang nasira at hindi natuloy,
Nang dahil lang sa isang sakit nasa laway at sipon dumadaloy.
Mahirap itong kalabanin,
Dahil hindi ito makita ng ating Paningin, kaya ang tanging gawin nalang natin ay siyang manalangin.

Nang dahil sa sakit na ito,
Natauhan at nag-iba ang trato sayo ng ibang tao.
Dito mo makikita at madarama,
Ang pagmamahal at pagmamalasakit ng bawat isa.

Palawakin mo ang iyong  pag-iisip at pag-uunawa,
Dahil hindi lahat ng naririnig mo ay tama.
Kaya ano mang pagsubok ang dumating sa buhay mo o sa buong mundo.
Huwag mong kakalimutan na may Diyos na gagabay at tutulong sayo.

Ang Aking Mga TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon