Tayo'y nag-away,
Nang walang humpay.
Sinabi lahat ng hinanakit,
Kahit alam mong nakakasakit.Hindi nagpapigil,
Sa sobrang gigil.
Lumabas lahat ng katotohanan,
Nang hindi dinahan-dahan.Sobrang galit sa lahat,
Lalo na sa nagdulot ng sugat.
Imposibleng mapatawad,
Ang taong iyong katulad.Ginawa ko ang lahat,
Pero para parin akong nagpapabuhat.
Ako'y tamad at masama,
Sa inyong maling salita.

BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoetryAng bawat tula ay nagkakaroon ng sariling emosyon. Binabalot ng kasiyahan at kalungkutan. Minsan makakahugot ka dito ng lakas at determinasyon. Kaya kung ako sayo gawin mo itong inspirasyon. ❤