(A/n:Be aware sa bad words)
"Tangang Bulag"
Ako ay masaya noong wala kapa,
pero noong dumating ka sa buhay ko.
Puta parang hindi ako makahinga,
hindi ko nga rin alam kung bakit.
Eh hindi naman ikaw ang humahawak sa buhay ko,
Sa puso ko siguro oo.
Pero bakit sayo pa?
Bakit sa katulad mo pa na may mahal naring iba.
Tama nga siguro ang sinasabi nila, na
Tinadhana tayong Magkakilala
Pero hindi pala tayo para sa isa't-isa.
Oo mahal kita, pero mahal mo rin siya.
Ano bang meron ka at ako'y nagpakatanga?
Yan yung tanong nalagi kung iniisip.
Dahil sa dinadami ng tao sa mundo.Bakit ikaw, Ako at Siya pa?
IKAW na minahal ko ng sobra na iyong binaliwala at mas pinili mo yung gaga na may mahal na ring iba.
AKO na umaasa at nagmumukhang tanga dahil nga mahal kita. At handang maging panakip-butas para mawala lng yung sakit na iyong dinarama.
Oh SIYA yung gaga na mas pinili na iwan ka at magmahal rin ng iba na hindi rin tinadhana para sa kanya.
Sino ba sa ating tatlo yung mas tanga? Eh gusto lang naman nating madama yung pagmamahal na sinasabi nila.
Yun ngalang sa ibang tao pa napunta.
Ano ba ang ginawa nating mali at tinadhana tayong tatlo na saktan ang bawat isa?Isang simpleng tao lang naman ako.
At hindi maiiwasang masaktan ng dahil sayo.
Oo mahal kita, Pero sumusobra kana.
Hindi mo naman kasalanan kung ba't ako nagkakaganito.
Sadyang gaga lang talaga ako at sa iyo pa nagkagusto.
Ang gusto ko lang naman ay mahalin ako gaya ng pagmamahal ko sayo.
Pero wala eh. Ni isang tao hindi pinakita na importante ang isang tulad ko.
Kahit nga sayo, kapatid lng ang turing mo sa isang katulad ko.
Ano ba ang dapat kung gawin para maramdaman mo na mahal kita?
Eh, iginawa kuna nga ang lahat mapansin mo lang diba.Kaso nga lang isang Tangang Bulag ka.
Alam mo kung bakit?Dahil Nagpapakatanga ka kahit alam mong may mahal na siyang iba.
At nagbubulag-bulagan ka kahit sa harap mo mismo, nakikita mong masaya silang dalawa.
At yun rin ang ginagawa ko.
Nagiging Isang Tangang bulag rin ako katulad mo.A/n: ( ito nga pala ang kauna-unahang tula/spoken poetry na ginawa ko. Hope you like it. At na ipost ko na rin po ito sa isang page about sa Spoken Poetry. Share ko lang sa inyo. Hehehhehe thanks for reading) 😘
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoesieAng bawat tula ay nagkakaroon ng sariling emosyon. Binabalot ng kasiyahan at kalungkutan. Minsan makakahugot ka dito ng lakas at determinasyon. Kaya kung ako sayo gawin mo itong inspirasyon. ❤