Kompleto rekados ang babaing ito,
At yun ang ipinagmamalaki ko sa buong mundo.
Ako'y kanyang inalagaan,
Simula nong ako'y nasa kanyang sinapupunan.Madalas kaming magkatampuhan,
Mas lamang naman ang aming kulitan.
Siya ang babaing unang kung pinagkatiwalaan,
Dahil kailanman hindi niya ako pinabayaan.Siya ang unang nagtiwala sa kakayahan ko,
Kahit hindi ako talentadong tao.
Pagod, Sakit, at Gutom ay kanyang lalabanan,
Upang hindi ko maranasan ang hirap na kanyang pinagdaanan.Siya ang unang guro ko sa lahat ng bagay,
Kaya alam niya kung kanino ako nababagay.
Mapagmahal, masayahin, at mapagbigay,
Ilan lang yan sa katangian ng aking NANAY.
BINABASA MO ANG
Ang Aking Mga Tula
PoetryAng bawat tula ay nagkakaroon ng sariling emosyon. Binabalot ng kasiyahan at kalungkutan. Minsan makakahugot ka dito ng lakas at determinasyon. Kaya kung ako sayo gawin mo itong inspirasyon. ❤