IHU - 1

432 8 0
                                    

Chapter 1


"Kristin kumain ka na?"

My face became sour when Reegan asked that Kristin na best friend ni Ailyn, na girlfriend ni Vortrex. Second time ko pa lang na makasama ang babae dahil hindi naman ito masyadong sumasabay dahil ayun kay Ailyn, ay nahihiya ito.

And looking at her now, happily chatting with Ailyn and Reegan, di maiwasang mapataas ang kilay ko kapag nagkakalapit ang dalawa. Nakakapagselos.

I like Reegan, sobra. At kulang na lang talaga harangin ko ang lahat ng babaeng nagpapacute sa kaniya.

He's too kind, friendly, gentleman, gwapo syempre, maalaga, at madami pang mga katangian na mai inlove ka talaga. And yun nga, I'm no exception. And what's worst is, he's like that to every girls he's friends with.

"Hoy Babes, masyado kang halata!" Pabulong na siko sa akin ni Rose na siyang katabi ko sa kaliwa dahil nasa kanan ko si Reegan.

Babes ang tawagan naming tatlong babae sa barkada. Ako, si Rose at si Cassey. And my girls knew how badly cupid had hit me.

"Nakakainis kasi. Lapit ng lapit kay Reeg. Kaibigan lang naman siya ni Ailyn. Feeling close." Irap ko sa mababang boses na tanging si Rose lang ang sinigurado kong makakadinig.

"Nambabakod? Girlfriend? Babes, baka lang naman you FORGOT, you're friends." Nakurot ko ito sa braso dahil sa inis kaya napa aray itong tumatawa. Kasi naman pinagdiinan talaga yung salitang forgot.

"Oo na, alam ko. Kainis!"

"Ligawan mo na kasi. Hahaha!" Hagikhik nitong sabi na hinahaplos haplos ang bahagi ng braso nitong nakurot ko.

"Kaya nga iinom akong marami at ng magkalakas ng loob. Leche!" Kinuha ko ang bote ng alak sa mesa na nasa tapat ko at inisang lagok yun pero ang kabilang mata ay nakatunghay sa panlalandi nung Kristin na yun kay Reegan ko.

Oh, yes! Akin si Reegan. Akin lang talaga. Kaya hindi pwede ang extra, epal at garapal na e enter.

Matagal ko ng kilala si Reegan. Hindi naman since birth, simula nung umpisa ng college life namin nina Cassy at Rose. We're bff, the three of us pero nung naging jowa ni Cassey si Vortrex, ayun, naging close na namin ang barkadahan nila.

And that's our foundation, right? Mas matagal kaming nagkakilala kesa sa Kristin na yan. Well, hiwalay na naman sina Cassey at Vortrex kaya ayos lang. Pero yung mapupunta kay Kristin si Reegan. Big NO.

NO WAY, highway.

Humanda ang anit niya. Tsk!

Hanggang sa natapos yung inuman namin at nagkayaan ng umuwi ay madilim pa rin akong napapatingin sa direksyon ng babae dahil magkausap lang naman sila ni Reegan.

Nauna ng umalis sina Kit at Venice, sumunod ay sina Trex, Ailyn at yung best friend niyang intrimitida.

I'm a bit tipsy at halata yun sa pamumungay ng mga mata ko at bahagyang paggewang gewang ng lakad ko. Mukhang napadami nga ang nainom ko kasi inaalalayan na ako ni Rose habang ang lakas lakas ng boses kung napapatawa kapag natatapilok o di kaya ay aksidenteng makabig ang sarili papunta sa kung saan.

"Rose, Ecca, sumabay na kayo kay Eros pa downtown." Dinig kong sabi ni Reegan kaya napaayos ako ng tayo mula sa hawak ni Rose ngunit hindi ko magawang kunin ang balanse ng katawan hanggang sa naramdaman ko na lang ang pag ayos ko ng tayo dahil sa bulto ng katawan na lumapit sa tabi ko.

SOX 3: It Happens UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon