Chapter 6
Vince
Hindi ko maiwasang matawa dahil sa sunod sunod kong text at tawag sa number ni Ecca na kinuha ko sa cellphone ni Paquito ma fren. Break time ko at dito ako nakatambay sa may likod ng store. Katatapos lang namin magtanghalian. Yung iba nagyoyosi, yung iba naidlip. Opener ako kaya maaga ang break time ko.
Sunod sunod ang pagsend ko ng mga walang kabuluhan na mga messages tapos ay biglang tatawag.
"Hello?" Tinakpan ko yung speaker ng cellphone ko dahil di ko mapigil ang kakatawa. "Hello! Hello?"
Nakailang hello din ata ito at halata na ang inis sa boses nito pero hindi ko nagawang sagutin iyon. Na-iimagine ko na yung mukha nitong nakataas ang kilay at for sure nagpipigil ng galit. Hindi naman siya nasinghalan pero parang yun ang mangyayari kaya hindi na ako ulit tumawag matapos iyong unang tawag.
Para siyang tanga na nakangiti habang ini-imagine ang inis na mukha ni Ecca, na may kasamang panggigigil at pag-irap.
Nung una ay hindi ko na sana ito pagkaka interesan pero pamilyar kasi ang mukha nito sa akin. Nung araw na nakasalubong namin siya ni Paquito ay nakaputing pang-itaas ito at nakalugay ang buhok, kaya biglang sumagi sa isip ko yung babaeng napagkamalan kong si Sadako. Medyo may kadiliman ng gabing yun, pero tandang tanda ko kung paano siya humarap sa direksyon ko na gulat na gulat at halatang takot na takot dahil sa namumutlang mukha pagkatapos niyang sambitin ang mga katagang "Lord, Help me!". Medyo nagulo ang ayos ng buhok nito at may namamagang mata, kaya sinong hindi makakaalala diba?
Na curious ako sa nangyari sa kaniya ng gabing yun. At medyo hindi benta sakin ang alibi niyang iyon about her friend. Feeling ko napadaan lang siya doon at kung sakaling hindi ako napadaan ay may masamang nangyari dito dahil narin sa pagtanong nito sa mga taong nasa may kanto ng gabing yun, na malamang ay tinakbuhan niya.
Hanggang sa dumating yung oras ng in ko, tawa parin ako ng tawa dahil sa ginawa kong pagprank sa babae. Kahit sa buong panahon na nagtatrabaho ako ay maalala ko lang yun, natatawa na ako.
"May good mood ah! May bagong nanay na ba si Amarah o nadiligan kana?" tukso ng mga kasamahan ko sa trabaho.
Si Amarah ay anak ko, at isa akong single father. Hindi ko naman masabing itinataguyod kong mag-isa ang anak dahil nandyan naman ang nga magulang ko na bukas palad na tinanggap ang naging kapalaran ng kanilang gwapong anak.
"Mga gago!" murang sagot ko sa mga ito na nakangisi lang.
Bagong nanay? Si Ecca agad ang naisip ko dahil siya lang naman ang kanina ko pang naiisip. Hindi dahil sa may gusto ako sa babae pero dahil sa pang-iinis ko dito. At mukhang hindi siya bagay maging nanay ni Amarah, ang suplada at ang arte pa. Tsaka, sa ugali nito, hindi sila magkakasundo ng pinsan kong mahal na mahal yung anak ko, na parang pangalawang ina na ni Amarah.
Pagka out ko ay sinalubong ako ng kaibigang si Paquito. Nag-aaya ng inuman. Aba, loko to ah. Nag-away ba sila ni Inzan Kristin?
Uu, pinsan ko ang bagong trip nitong kaibigan ko. Friend lang daw pero kung makabisita kay Kristin, araw araw, dinaig ang mga istilo ng panliligaw. Meron pang kain at inuman sa labas. Ito namang pinsan ko, ayaw man lang magpakakipot, halatang halata naman na na-fall na dito sa kaibigan ko.
Pero kumpara dun sa ex niyang two timer, Mas boto naman ako sa pinsan ko. Kahit ang maldita ng isang iyon, kalog naman yun kasama. Pero, kapag usapang seryoso, maaasahan mo naman din yun.
"Oh, bakit ka nag-aayang mag inuman? Binasted mo na yung pinsan ko?" Salubong ko rito at sabay na kaming naglakad. Dito kami dumaan sa may pasilyo sa harap ng manmade falls ng Mall.
BINABASA MO ANG
SOX 3: It Happens Unexpectedly
Cerita Pendek"Hindi ko siya gusto at kinaiinisan ko siya ng sobra sobra. Lahat ng ayaw ko sa lalaki nasa kaniya na kaya imposibleng magka gusto ako sa kaniya. But Then, it happens unexpectedly~ ~" -Ecca Manzano Date Started: April 10, 2019 / June 03, 2019 Date...