IHU - 4

157 3 0
                                    

Chapter 4







December.

At kapag pumasok na ang December, all Ecca could think of is how people celebrate Christmas and New Year's Eve.

Umpisa pa lang ng September, her neighbors started decorating their house. Christmas tree, balls and lights. Tradisyon na yun sa mga Pinoy.

At kapag malapit na ang Christmas break, ibig sabihin non ay end of 2nd Trimester na. More more projects and year-end examination.

At habang wala pa ang araw na yun o mas kilala ng lahat na Hell week, petiks-petiks muna. Chill Chill lang.

May usapan kami ni Rose na magkikita sa may National Bookstore sa may Veranza dahil mamimili kami ng mga arts and crafts. Gusto niya sana sa SM bumili pero madaming tao doon kaya naisipan naming dito na lang.

Why we're buying arts and crafts things? Nagpatulong kasi si Trex sa barkada kung ano raw magandang pang surprise dahil next week ay birthday na ni Ailyn. And the girls, me and Rose, suggested Scrapbook of their memories kaya heto kami ni Rose, mamimili. Kikitain din namin sina Trex at ang tropa dahil syempre, libre nila ang snacks. Magpapalibre kami sa J.Co. Hahaha

May event sa Atrium ng Mall kaya medyo maraming tao which I didn't expect. Kaya mula sa second floor, napatingin ako sa baba.

Nasa dulo ng second floor kasi sa right wing ng Mall naroon ang NBS.

It's like a fashion show for kids dahil may rumarampang mga kids tapos maypa red carpet at photographer pa.

They were so cute walking with poise then posing in front of the camera. Naaliw ako ng kaunti.

I stay there for a while dahil on the way pa si Rose. Inilibot ko ang paningin at baka makakita ng kakilala sa mga rumarampa at sa mga nanonood. Masyado atang malawak ang Gensan dahil wala man lang akong nakitang kakilala.

But I was wrong.

One person caught my eye na dumaan malapit sa may glass elevator ng mall na malapit sa may entrance.

Tila automatic na nag zoom in ang mata ko para makita siya ng maayos at makilala. Naroon siya nakatawa may kasama at halos lahat sila ay pareho ng suot na black slacks and black shoes. Nakatingin din sila sa mga rumarampang mga bata at tumatawa.

"Superman!" naisatinig niyang sabi nang tuluyang makilala ang lalaki.

Isa sa mga kasamahan niya ay tinapik siya sa braso at may sinabi, tapos napatingin siya sa relong pambisig. Siguro sinabihan siya o tinanong kung anong oras na. Maya-maya ay magkasabay silang tumalikod sa atrium patungo sa left wing ng mall.

I don't know what gotten into me na napasunod ako ng lakad sa kanila, them on the ground floor while me on the second Floor.

Malalaman ko na ba kung sino si superman?

At sa iisiping yun, bigla akong kinabahan and at the same time ay na excite. Iniisip ko kung ilang taon na siya. Mukhang bata pa kasi ito. Baka mas matanda lang siya sa akin ng ilang taon.

Pero pano kung janitor pala siya sa mall na ito Ecca? Napahinto ako sa paghahabol kina superman.

Edi, magpapasalamat ako sa kabutihan niya. Di naman siguro yun masama diba?

I mean, marangal naman na trabaho ang pagiging janitor. Pero kasi alam niyo namang si Reegan yung ideal man ko. And I think no man can surpass his sense of responsibility, pagiging caring and lovable friend sa amin at sa pamilya niya, kahit sa babaeng mahal niya.

SOX 3: It Happens UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon