IHU - 3

151 5 0
                                    

Chapter 3




Buong araw ata akong naging lutang dahil sa kakaisip kung papaanong sasabihin kay Venice ang nakita ko last night. Ang malaking tanong din na bumabagabag sa akin eh kung alam ba ni Venice ang tungkol sa pagkikita ng dalawa? Eh pano ba sila naging close para magkaroon ng sarili nilang night out?

Alangan namang coincidence lang na nagkita sila outside our group tapos close agad? Are they hiding something behind Venice's back?

Pero ang mas nakakapagduda ata ay hindi ko nakita ang anino ni Rose ngayong araw. Balak ko sanang kausapin ito para sabihin ang nalaman pero hindi ko siya mahagilap. Pinuntahan ko pa sa assigned room nila pero wala daw, absent. Di rin magreply sa text ko, ano kayang nangyari dun?

Pagkatapos ng klase ko ay tumambay na lang ako sa may cafeteria para mag scroll sa social media accounts ko. Naalala kong e chat si Venice pero di ito online kaya nag-iwan na lang ako ng message dito na kung pwede kami magkita at magkausap ng personal.

Aalis na sana ako dahil wala na naman din akong gagawin pero may biglang naupo sa upuan sa tapat ko kaya nakaangat ang tingin ko rito.

Ganun na lang ang pagkagulat ko nang makita ang mukha ni Reegan sa harap ko na nangangalumata.

Puyat ba ito at walang tulog? Anong nangyari sa lalaking to?

"Ecca, Ahmm, galit ka pa ba sa akin? Kausapin mo na ako oh!" malungkot na sabi nito na parang batang napanguso.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi nito. Tama si Rose, dapat kausapin ko na si Reegan at e klaro yung feelings ko sa kaniya kasi, totoo naman. Totoong umaasa akong sana meron nga siyang special feelings para sa akin kahit wala naman talaga.

"Reegan, I'm sorry for acting childish and immature that night. I'm sorry kasi nagustuhan kita kahit alam kong kapatid lang naman ang turing mo sa akin. And hindi ko alam kung galit ba ako sayo. Disappointed siguro, kasi di mo man lang ako binigyan ng chance, basted agad." Pinipigilan kong maiyak kahit nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko.

Iniwanan ko ng malaking puwang si Reegan sa puso ko. At ang malamang kapatid lang ang Turing niya sa akin ay parang nagkabutas ng mas malaki sa puso ko.

"I'm sorry Ecca. How I wish I could love you more and reciprocate the love you have for me. But we both knew na lolokohin ko lang ang sarili kung ipipilit kita dito." Itinuro nito ang dibdib at mapait na ngumiti.

A sad and painful smile I'm familiar and aware of.

"And same with Kristin, kaibigan lang din ang turing ko sa kaniya. I just want her to feel comfortable with our friendship kaya siguro akala mo espesyal yung pagtingin na binibigay ko sa kaniya."

Napatango na lang ako sa sinabi nito but he knew I'm not quite convinced yet. Tapos naisip ko bigla ang nakita last night.

Alam kaya ni Reegan na nagkikita sina Kit at Kristin na iyon?

"Ecca, please believe me. We're just friends just like how we're friends."

"O-Okay!" muli ay tango ko.

"Wag mo na kaming iwasan please."

"Uu na!" Napanguso na lang ako dahil totoo naman kasi. Una, iniwasan ko nga sila. Pangalawa, I'm just a friend.

Napatayo ito at inabot ang ulo ko para guluhin ang nakaayos kong buhok. "Hay! Nakakamiss ang kakulitan niyo ni Rose. Sumabay ka na ulit sa amin, okay?"

Tango pang muli ang sagot ko sa kaniya bagu nito ako tinawanan kaya napangiti na lang din ako.

SOX 3: It Happens UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon