Chapter 8
Muntik pang ma late si Vince kaninang umaga dahil sa parang mga lintang hindi mapaghiwalay ang kaibigan at pinsan niya. At buong maghapon din silang busy kahit ilang oras na lang ay Pasko na. Maaga din silang magko close ng store hours as mandated to all mall Tenants in celebrations of Christmas.
Maya maya din ang tingin niya sa telepono kung may mensahe o wala. Pero gusto niya talagang makausap si Ecca. It's not what his friend and cousin think of, pero gusto niyang malaman kung ano yung iniisip ni Ecca ngayon pa tungkol sa kaniya.
Kahit minsan, hindi niya inisip ang sasabihin ng iba sa pagiging batang ama niya pero yung tingin ni Ecca nung huli nilang pagkikita, nasaktan talaga siya. Nasaktan siya sa gulat na rumihestro sa mukha ni Ecca na sinundan ng tila walang reaksyon na mukha nito after maybe, analyzing the situation.
Gusto niyang mag explain pero hindi niya alam kung bakit niya kailangang mag explain. Hindi niya alam kung bakit naiisip niya ang kung ano man ang nasa isip ni Ecca tungkol sa nakita. At ang hindi nito pagsagot sa mga tawag at text niya ang tila ba nagsasabing, she doesn't like to talk to him anymore.
Kanina pa siya narito sa harap ng kaniyang motor nakatitig sa cellphone nitong hindi naman makasagot sa lahat ng kaniyang naiisip. Gusto niyang puntahan si Ecca pero paano? Kung magtatanong naman siya kay Paquito ng address nito, baka iba naman ang isipin nun.
Isang malalim na buntong hininga na lamang ang pinakawalan nito at sumakay na sa motor nito pero hindi niya naman ito magawang paandarin. Malapit ng mag eleven at para siyang tanga na nandito parin sa parking area.
"Ang lalim ng iniisip ah, baka malunod ka na niyan!" bahagya akong nagulat nang may nagsalita sa harap ko na muntik ko pang ikatalon.
"Tsss! Kung nakikita mo ang sarili mo ngayon, daig mo pa ang iniwanan ng girlfriend. Hoy, gising!" isang malakas na batok ang natanggap ko mula sa kaibigan ng pinsan pero humingi naman ng sorry pagkatapos.
"Ailyn! Ikaw pala yan. Merry Christmas!" Bati ko sa babae na may apologetic na ngiti sa harap ko. "Anong ginagawa mo dito?"
"Merry Christmas din. Ah, may hinihintay lang. Pauwi na kasi eh. I texted Bessy nang makita ka at sabi niya batukan ka ng malakas. Hehe, sorry!"
"Ayos lang, mukhang kailangan ko nga ata din yun!"
Nakarinig kami ng malakas na busina mula sa likuran ko na daanan ng mga nakaparadang motor at pareho kaming napalingon dun. Nakaangat ang salamin ng helmet nito at nakatingin ito sa direksyon namin ni Ailyn.
"Oh, Ayan na ang sundo ko. sige Vince. Merry Christmas ulit." Paalam nito sa akin at pinuntahan ang lalaking naka motor din. She gave me a final wave at bumusina din ang lalaki na ikinatango ko bago sila umalis.
Yun siguro ang boyfriend ni Ailyn. Nasabi na kasi sakin yun ni inzan na may boyfriend na ang bestfriend niya.
Hay! Veneciano III, ano bang pinaggagagawa mo? Bumalik ka nga sa katinuan mo. Kung totoo man ang sinasabi nila na my gusto ka nga kay Ecca, pwes, itigil mo na habang maaga pa. Kung hindi niya matanggap na may anak ka, magtrabaho ka na lang para sa future ni Amarah. Alam mong unfair ang mga tao sa mundo. Wala ka ng magagawa dun.
Isinuot na nito ang helmet para umuwi na, pero bago pa niya mapa andar ang motor nito, ay tumunog ang selpon niya. A message from Paquito.
BINABASA MO ANG
SOX 3: It Happens Unexpectedly
Short Story"Hindi ko siya gusto at kinaiinisan ko siya ng sobra sobra. Lahat ng ayaw ko sa lalaki nasa kaniya na kaya imposibleng magka gusto ako sa kaniya. But Then, it happens unexpectedly~ ~" -Ecca Manzano Date Started: April 10, 2019 / June 03, 2019 Date...