Chapter 10
Sa sumunod na araw ay napagdesisyunan ng kuya ni Ecca na makipagkita at kausapin si Vince. At dahil wala na naman restday kapag Ganitong holidays, at hindi rin naman ito pwedeng umabsent, pumayag naman ang kuya niya na maghintay at seven in the evening na siyang out ni Vince sa pinagtatrabahuan.
Kanina pa rin hindi mapakali si Ecca dito sa tabi ng kaniyang kuya, panay ang tingin sa orasan dahil malapit ng lumampas na sevem pero wala paring Vince na nagpapakita. Halos mangalahati na yung order niyang Mango Shake sa pinaghalong nararamdaman, kaba, takot at pag-aalinlangan, lalo pa at nakikita niya ang kuya na kalmado lang. Hindi niya alam kung masisiyahan ba o matatakot sa pagiging kalmante ng kaniyang kapatid.
Nandito kami ngayon ni kuya sa may HUKAD naghihintay kay Vince, at nai serve na rin ang foods namin ni kuya pero hindi ko man lang makuhang kumain. Sa sobrang kaba ko, hindi ko na alam kung para kanino ang kaba na ito, sa sarili ba, kay kuya o kay Vince.
Kanina parin ako text ng text sa lalaki pero hindi naman makuhang magreply. Asan na ba kasi yun? 10 minutes na siyang late ah.
"Kumain ka na Ecca. Dapat busog ka habang ginigisa ko yung lalaki mo." nakatuon ang atensyon ng kuya niya sa pagkain at humaba ang nguso niya dahil sa inis.
"Tsk! Humanda siya kamu sakin. Akala niya nakaka gwapo ang paghintayin ang babae? That stupid guy! I should have stayed in my room instead, or hang out with Rose and the others. Naiinis na ako kuya!" She blurted out. Para na ngang uusok yung ilong niya sa inis kay Vince dahil hindi man lang magpasabi kung itutuloy ba nito ang pagkikita nila ngayon at nang hindi na siya umasa, nadamay pa ang kuya niya.
Naduwag na ba ang lalaking yun? Tsk!
She was ready to spit fire when she saw him running from the outside. Tumakbo ito at napahinto sa tapat ng pinto ng kainan at hinihingal pa.
Magkabilaang dulo ng Mall ang pinagtatrabahuan nito sa lugar na pagtatagpuan nila. Magkatapat sila ng upo ng kaniyang kuya kaya siya ang unang nakakita kay Vince. Nang mapatitig siya sa labas ay napasunod ng tingin si Elmer sa kapatid. There he saw Vince already walking from the inside.
Nakabukas ang pinto ng Restaurant dahil busy din ang kainan. It's dinner time kaya madami rin ang mga customers na kumakain with their love ones. Habang papasok ay alanganin ang ngiti nito tila alam ng dehado siya dahil na-late ito ng dating sa dapat ay 7pm na usapan. Nakasabit sa leeg nito ang sling bag na itim na hindi nakaayos tila isinabit lang doon. Bitbit din nito ang uniporme na hindi pa natupi dahil sa tila pagmamadali.
Ecca is fuming mad. She barely looks like a Pokemon with a big fire element on her head.
"Ahmm, Hi! Sorry kung na-late ako!" Alanganing bati nito ng makalapit. Una niyang binati ng tingin si Ecca pagkatapos ay ang kuya nito. He just gave him a 'Ah-so-ikaw-pala-yun' look towards him.
Ecca was about to bombard her with spiteful words for being late, pero nauna ng magsalita ang kuya niya.
"What happened to your arm?" bahagya lang itong napasulyap sa kamay ni Vince pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa pagkain.
Kahit si Ecca ay napatingin sa braso ni Vince dahil sa sinabi ng kuya nito. May malaking red mark ang kaliwang braso nito. Bahagya itong kumikinang sa liwanag pero halata ang mapula pula nitong tila napasong balat.
BINABASA MO ANG
SOX 3: It Happens Unexpectedly
Nouvelles"Hindi ko siya gusto at kinaiinisan ko siya ng sobra sobra. Lahat ng ayaw ko sa lalaki nasa kaniya na kaya imposibleng magka gusto ako sa kaniya. But Then, it happens unexpectedly~ ~" -Ecca Manzano Date Started: April 10, 2019 / June 03, 2019 Date...
