IHU - 9

112 5 0
                                        

Chapter 9





Kanina pa nasa labas ng Gilligans si Ecca, pabalik balik kung papasok at kakausapin si Vince o mamaya na lang at baka maka distorbo siya. Nahihiya naman siyang e-text ito dahil sa nangyari kagabi.

Buti na lang hindi sinabi ni kuya kina Mommy at Dada ang tungkol kagabi kaya medyo nakahinga ako ng maluwang kaninang umaga.

Mukha na akong tanga na hindi malaman ang gagawin. Napabuntong hininga na lang ako at itinulak ang sarili na pumasok sa loob at hanapin si Vince. Kung may trabaho ito, maghihintay na lang ako at saka ko na lang siya ete-text.

Hawak ang sling bag ay kumakabog ang dibdib ko nang salubungin ng isang staff.

"Good afternoon ma'am. Welcome. Table for how many ma'am?" malapad ang ngiti nito na bati nito sa akin. Nakita ko ang nameplate nito, he's Harvy. Isa to sa mga laging kausap ni Vince kapag narito siya maliban doon sa Xaidan.

"Ah, ano. Ahmp, A-andyan ba si Vince?" halata yata sa boses ko ang kaba kasi parang napangisi ang lalaki na may mahiwagang titig sa akin.

"Ah, break time pa niya ma'am. Andun po siya sa likod." Itinuro nito ang likuran ng store kung saan malapit sa may parking ng Mall at kung saan naroon ang handmade waterfalls.

Nagpatiuna ito sa paglalakad at napasunod naman ako. Lumabas kami sa isang glass door din. Binuksan nito iyon at sumunod pa din ako. Pagkalabas ay may mga staff na naroon sa mga may nakalagay na reserved tables. Yung iba natutulog, yung iba nagse-selpon habang yung grupo nina Vince ay bahagyang nagtatawanan ay may kasama silang batang babae.

Mukhang hindi nila kami napansin.

"Vince, hanap ka. Girlfriend mo?" nakangising tanong nung lalaking naghatid sakin.

Parang hinatid lang ako para makichismis ah. Naku!

Si Vince lang ang tinawag pero lahat sila napalingon sa direksyon namin, particularly, sa akin.

I was wearing a pink flowery sundress at black sling bag. Half tied naman ang buhok ko at parang gusto kong itago ang mukha dahil sa kahihiyan. They were all staring at me.

"Ecca!" napatayo si Vince nang matauhan sa pagtitig sa akin, akala ata hindi ako totoo.

"K-kung busy ka, ah, babalik na lang ako mamaya!" alanganin kong sabi dito na akmang aalis na lang muna pero bago pa ako makaalis ay pinigilan nito ako. Malapit lang naman ng distansiya namin kaya madali lang nito akong napuntahan at nahawakan sa kamay.

Nakasunod parin ng tingin yung mga kasamahan niya sa trabaho parang mga CCTV camera, ulo lang ang gumagalaw.

Parang mga tumpok ng langaw na sabay sabay na lumipad papunta sa kabilang mesang bakante ang tatlong kasama nito sa mesa, kaya nabakante ang tabi nito. Nakakailang man ay napasunod ako sa lalaki nang hilahin nito sa kanina ay kinauupuan nito, sa tabi nung batang babae na mukhang kilala ko na dahil sa pagkakapareho nito ng mukha sa lalaking ngayon ay katapat.

Nakangiti ito sa harap ko. Naiilang na nginitian ko ito pabalik dahil sa mapanuyang mga tingin ng mga kasamahan niya sa trabaho.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Vince sakin.

"Ah, kasi ~" Hindi ko alam kung paanong sasabihin ang tungkol sa kay kuya dahil sa mga titig ng mga nasa kabilang mesa. Napahawak pa ako sa leeg sa sobrang pagkailang na tila naintindihan naman ni Vince at pinagsisita ang mga kasamahan.

SOX 3: It Happens UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon