IHU - 5

135 4 0
                                    

Chapter 5







Nautusan ako ni Mommy na bumili ng pangregalo para sa kasal ng kaniyang inaanak. Ayoko pa sana kasi tinatamad ako pero dahil pinalalayas ako ni Mommy sa bahay, wala akong choice. Matapos mag ayos ay agad na akong umalis ng bahay.

Gusto ko lang sanang magkulong sa kwarto dahil wala akong pasok pero si Mommy inutusan pa ako. Bukas na kasi ang kasal at dahil kinuha siyang Ninang, ako yung inutusang bumili dahil magpapaganda daw siya ngayon. Wala na raw siyang time bumili dahil nabusy siya sa negosyo namin.

Kahit napipilitan ay lumayas na ako paalis ng bahay.

Ang init pa man din sa labas, naku! Sayang ang glutha, charing!

Tinext ko si Rose na samahan ako pero busy raw ito. Lage na lang talagang busy ang isang yun. Naku, naku, naku!

At dahil wala na akong ibang choice, kaya heto, sa SM ako dumiretso. Ayaw kong pumunta ng KCC or Veranza at baka makita ko pa yung lalaking akala ko talaga mabait dahil iniligtas ako, but it turned out na hindi pala.

At ang balak kong magpasalamat rito ay hindi ko na tinuloy. Bahala siya, for sure, di na ako nun naaalala.

It took me almost an hour para maghanap ng pangregalo sa SM Department Store. Bumili na rin ako ng makakain habang bitbit ang binili bago nagpunta sa may Toy Kingdom para magpa gift wrap.

Dahil bawal ang foods sa loob ay sa labas ako naghintay. Salamin naman kasi ang wall nila kaya nakikita ko kung paanong ginagawa ang pag gift wrap. Medyo may kalakihan ang box na nabili ko kaya I know it would take time for it to be wrapped.

Natapos ko ang pagkain at naghanap ng basurahan na malapit. Pero itong si SM, hindi mahilig maglagay ng basurahan kaya bitbit ko parin ang basura ng pinagkainan nang may tumawag sa pangalan ko.

"Ecca!"

Napalingon ako sa pamilyar na boses ng kaibigan na tumawag.

"Uie, Kit!" balik tawag ko dito na nakangiti nang mapalingon sa direksyon nito. Mukhang galing ito sa direksyon ng food court. Pero napawi ata ang ngiti ko nang mapagsino ang katabi nito na kasabay nitong napahinto sa tapat ko. He's wearing the same black slacks and goma shoes tapos plain na blue shirt.

"Anong ginagawa mo dito? Ikaw lang ba mag-isa?" magkasunod na tanong ni Kit.

"Hmm? A-ah, Ako lang. Ahm, ako lang mag-isa!" sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa nakakailang na tingin ng lalaking kasama ni Kit.

Bakit sila magkasama? Magkakilala ba sila? Magkaibigan? Bakit siya nandito? My Ghad!

"Nga pala si Vince, classmate ko nung high school. Pre, si Ecca, kaibigan ko." pagpapakilala niya sa kasama.

What did he said? magkakilala talaga sila? At Vince? Vince ang pangalan niya?

Kung minamalas ka naman talaga uh-oh! Kung kailan ka umiiwas, saka kayo pagtatagpuin. Eh nung, gusto ko siyang makilala, hindi magkita-kita. Bwesit din.

What a small world! My cursed superhero is this exact man beside Kit. Nakakaloka ang tadhana diba?

"Hi! Alam mo pamilyar ka sakin? Nagkita na ba tayo dati?" Lahad nito ng kamay pero tinitigan ko lang. Nangawit ata kaya ayun binawi na lang nito dahil wala akong balak na tanggapin ang pakikipagkamay niya.

SOX 3: It Happens UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon