IHU - 2

197 5 0
                                        

Chapter 2



Ilang araw ang lumipas matapos ang aksidenteng iyon ay hindi pa rin nilalapitan ni Ecca ang mga kaibigan. Kahit sa University na madalas silang magpang-abot ay lumilihis ito ng daan o di kaya ay bumabalik sa pinanggalingan.

Alam niyang pansin iyon ng mga ito lalo na si Rose na close niya. She's maybe acting childish pero pakiramdam niya yun ang dapat niya munang gawin.

Paano ko nga ba kakaharapin si Reagan gayong pinamukha na niya sa akin na kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin? Parang kapatid? Saklap kaya nun. Tapos double heartbreak pa dahil sa nangyari sakin pagkauwi. Masisisi ba nila ako kung di ko pa kayang harapin sila?

Magkaiba kami ng kurso ni Rose. BSBA major in Financial Management ito samantalang ako ay BS in Entrepreneurship, pero may mga minor subjects pa kami dati na magkaklase. Entrep din ang dating kurso ni Rose kahit si Cassey, nung nasa Pinas pa ito. But she was force to shift course dahil sa twice siyang bumagsak sa isang major subject namin dati.

At dahil sa umpisa pa lang ng pasukan ay alam na namin ang schedule ng bawat isa, Rose knew where to find me.

"You cannot hide from me forever, You, Ecca Manzano." Naniningkit ang mga mata na harang sa akin ni Rose nang maabutan nito ako na palabas ng gate ng University.

Wala na akong klase kaya paalis na sana ako. More of, lumabas at nang hindi ko sila makasalubong sa hallway.

Napangiwi naman ako lalo nang biglang hawakan nito ang palapulsuhan ko tsaka hinila palabas. Pareho pa kaming naka heels at ang bilis ng kaladkad nito sa akin pasakay sa nakaabang na tricycle.

"Asa mo mga ma'am? (Saan po kayo ma'am?)" Tanong ng driver matapos paandarin ang tricycle nito.

"Sa may KCC kami kuya."

Habang nasa biyahe ay panay parin ang irap ni Rose sa akin.

"Sorry na nga kasi." bungad ko rito. "Brokenhearted kaya ako."

"Tseeh! At damay ako?" pagsusungit pa nito. Di namin alintana ang ingay ng tricycle at patuloy kami sa pag-uusap.

"Eh kasi naman diba? Pano ko kayo haharapin eh binasted ako ng harap-harapan ng lalaking gusto ko." paliwanag ko sa kaniya. Buti na lang at kami lang ang naging pasahero ni Kuya kaya ayos lang na pag-usapan namin iyon.

May kurot parin sa puso na pag-usapan ang nangyari pero si Rose to eh, isa sa mga napagsasabihan ko ng mga kwento ko sa buhay.

Napahinto ang tricycle dahil may na pick-up itong pasahero na naupo sa harap dahil nasa likod kami ni Rose. At parang ganun na lang ang pagkabigla ko dahil doon talaga mismo ito napahinto sa kanto kung saan ako napahinto nang gabing yun. Ang gabing nais ko ng kalimutan.

Para bang may sariling rewinder ang utak ko at nag play ang nangyari ng gabing yun at ako ang main audience. And I'm seeing it on the other view.

Nilingon ko at hinanap kung Barangay Hall nga yung dulo at oo. Tama nga. Natakot lang ako ng wala sa lugar.

Parang gusto kong panginigan dahil sa mga ala-alang iyon. Even I was saved, these are those memories na gusto mo ng kalimutan pero alam mong hindi mangyayari.

Napatulala akong napatingin sa daan.

"Hoy, babes? Ayos ka lang? Natulala ka na dyan!" Hampas sa braso ang tila nagpabalik sa akin sa kasalukuyan.

"Huh? W-wala! May naisip lang."

Hindi na kami nag-usap pang muli dahil may iba pang na pick-up si kuyang driver at puno ang tricycle bago kami nakarating sa Mall.

SOX 3: It Happens UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon