IHU - 11

208 4 0
                                    

Chapter 11





D

ecember 29

Dumating si Ecca sa may Veranza ng 6 pm. Nagpaalam siya sa mga magulang na aalis at may pupuntahang birthday. Hindi niya sinabi kung kanino. But today is Vince's sister's birthday at inimbitahan niya ng lalaki.

7 pm mag-a out si Vince at kasabay daw namin sina Kit at Tin papunta sa bahay nila.  Dumiretso na muna ako sa may Watsons and buy some girly essentials. Yung babaeng kapatid ni Vince ang may birthday at nakakahiya namang pumunta na walang dala. It's gonna be her first time to meet Vince's family and she's very nervous.

Matapos bumili ay bumaba na din siya para mag punta sa Gilligan's. Tumagal din Pala siya doon dahil malapit ng mag 7 nang makababa siya.

Nakita siya ni Vince pagkadating niya sa tapat ng kainan. Kumaway lang siya dito at sumenyas na si CR muna na tinanguhan nito.

Dahil madami ring tao sa CR ay natagalan siya sa loob. Kaya naman paglabas niya ay naghihintay na pala sa tapat ng kainan si Vince.

"Hi! Kanina ka pa?" Maya ay tanong niya. "Madami kasing tao sa loob pagpasok ko."

"Okay lang. No probs. Tara na?"

Inaya na siya ni Vince na umalis at dadaan pa umano kami sa bilihan ng cake. Pagdating sa red ribbon ay naroon na sina Kit at Kristin, magkasamang tumitingin ng cake.

"Oh, andito na pala kayo Vince, Ecca!" Tipid na ngiti ang binigay ni Ecca sa kanila. Kahit nagka ayos na kami lalo na kay Kristin, di ko parin talaga maiwasan ma guilty at syempre mahiya.

"Inzan, nakapili ka na?" Tanong ni Vince kay Kristin.

"Yes. Hinihintay na lang namin!"

Itinaas din ni Kit yung mga dala niya na mga drinks. Mukhang nagka usap na sila para sa mga bibilhin.

"For Miss Kristin po?" Agad nagpunta sa counter area si Kristin at pagbalik nito bitbit na ang cake na binili.

"Let's go!"

Sila Kit ang magdadala ng mga pinamili nila dahil naka sasakyan ito.

Pagkalabas sa Mall ay nagkahiwalay na sila dahil motor naman ang dala ni Vince. Binigyan niya ako ng helmet na isusuot pagkatapos ay umalis na din kami.

Simpleng handaan lang naman daw umano, dinner with family and friends. From KCC ay sa Barangay Apopong ang kina Vince. Medyo may kalayuan sa amin na dito sa may Agan Homes.

Mahigpit ang hawak ko sa kaniyang bewang dahil hindi ko kabisado yung lugar pero sementado naman yung daan na dinaanan namin bago kami lumiko at malapit na daw kami sa bahay nila.

Malayo palang ay dinig na namin yung may kumakanta sa videoke. Ipinarada niya Ang motor sa tapat ng isang gate na kung san naggagaling yung ingay. Pagkababa ko ay siya ring pagdating nila Kit.

Finally, this is it. Who would have thought na mapupunta ako dito na hindi kasama ang mga kaibigan? Well, nandito si Kit but this is different.

Mula sa loob ay makikita mo kung sinong dumating katulad ng kitang kita din namin kung sino sino ang nasa loob ng bahay nila Vince.

"Tara?" Holding my hand, he accompanies me to enter in their house.

"Kuyaaaaa!" Sumigaw yung babaeng sumalubong sa kanila at pamilyar siya kay Ecca dahil alam niyang siya yung kapatid ni Vince, at siya din yung nakita niya sa mall.

Their family welcome me na para bang matagal na kaming magkakakilala. I met Vince's parents. Pati narin kay Kristin. At itinuring nila akong parte ng kanilang pamilya, real quick.

SOX 3: It Happens UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon