"Kung hindi lang tayo mapapahamak ay sinabi ko na sa nanay niya mga kalokohan ng anak niya," sabi ni Valerie.
Nasa banyo kaming tatlo ngayon nila Ruby. Lunch time na.
"'Di niyo talaga namukhaan kung sino 'yung lalaki?" tanong ni Ruby habang hinuhugasan niya ang kamay niya.
Ako naman ay lumabas na ng cubicle dahil tapos na akong umihi.
"'Di eh. Pero nung sumilip si Rizza sa bintana, nasa likod niya 'yung lalaki. Nakahubad."
"Seryoso? HAHAHAHA! Edi hindi na nga talaga virgin si Rizza?" halakhak ni Ruby kaya natawa din ako.
"Eh ano naman ngayon sa 'yo?" sabi ko na naghugas din ng kamay.
"Wala lang," bungisngis niya.
"Buhay naman niya 'yon," ani Valerie.
Pumunta na kami sa canteen. Naabutan namin 'yung tatlong lalaki na nagtatawanan sa table. Nando'n na din 'yung mga pagkain.
"Ba't antagal niyo? Gutom na gutom na 'ko e," sumimangot si Cyrus ng makita kaming tatlo.
Hindi namin siya pinansin at naupo na lang kami sa harap niya.
"Nuy, may ginawa kayong kababalaghan, 'no?" pang-aasar ni Roy at dahil do'n ay binato siya ng kutsara ni Ruby.
"Gago,"
"Huy kawawa si Roy, kanina niyo pa binabato." tawa ni Cyrus.
Hindi namin natapos ni Ruby 'yung quiz kanina kaya out of fifty ay forty na lang ang magiging highest score ko kaya malakas kong binatukan si Roy kanina.
Wala naman nang masyadong nasabi si Sir Guinno dahil nagpumilit na si Rizza umuwi.
"Hilig niyo talagang mambato, crush niyo lang ako e," lakas loob na sinabi Roy kaya napaismid si Valerie.
Natawa na lang ako.
"Ulol. Kahit mamatay ako hindi kita magugustuhan," ani Valerie.
Masaya kaming kumain na magkakaibigan gaya ng nakagawian. Pero naagaw ng pagiging tahimik ni Miguel ang pansin ko, kahit na tahimik naman talaga siya parati. Mas tahimik nga lang ngayon.
"Ayos ka lang?" pabulong na tanong ko sa kaniya kasi katabi ko lang siya.
"Oo naman," tipid ang ngiti niya bago tumayo kaya bahagya akong napaatras.
"Magsi-cr lang ako," biglang sabi niya kaya napatingin kami sa kaniya.
Nang makaalis na siya ay nilingon ko na ang mga kaibigan ko.
"Anong problema no'n?" takang tanong ko.
"'Di daw maganda pakiramdam kanina pa pagpasok," kibit balikat ni Valerie.
"Tapos dumagdag pa 'yung kanina sa guidance. Ikaw, sakit ka talaga sa ulo!" angil ko at inambahan siyang babatuhin ng kutsara kaya napaatras siya.
"Nuyy! Pinagtatanggol si Miguel!" Asar ni Cyrus kaya pinandilatan ko siya ng mata.
"Selos ka lang e," gatong ni Ruby.
"Ulo mo selos,"
Nag-asaran pa kaming lima pero nung bumalik si Miguel ay tumahimik na ulit kami.
"Ang tagal mo, par. Tumae ka, 'no?" sabi ni Cyrus.
"'Yang bunganga mo! Kumakain e," saway sa kaniya ni Ruby sa kaniya.
Aangil pa sana si Cyrus ng biglang mapatayo si Valerie. Gulat kaming napatingin sa kaniya na ngayon ay basang basa na dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa kaniya.
BINABASA MO ANG
THE KISMET ***ongoing***
RomanceSa normal na pamumuhay ni Helena ay hindi niya inaasahang may mangyayari na makapagpapabago ng takbo ng buhay niya. Sa mundong kinabibilangan ay hindi mawawala ang mga rebelyon na puno ng paghihimagsik at paghihiganti ang nasa isip. Hindi niya inaa...