THE KISMET: CHAPTER 12

7 2 0
                                    


Matapos ang nangyari sa pagitan ni Helena at ng kaniyang ama ay lumabas ito at nagpakalayo-layo muna upang kalmahin ang sarili. Alam niya sa sarili niya na masyado siyang naging marahas sa anak niya pero para sa kaniya ay iyon lamang ang tanging paraan upang hindi na ulit mangyari pa ang nakaraan.

Mas matanda ng sampung taon ang papa ni Helena sa kaniyang ina. Nagkaro'n na ito ng asawa ngunit iniwan siya nito matapos nila'ng magkaanak. Binata pa lamang siya ng siya'y nagkaroon ng anak kaya hindi naging madali para sa kaniya ang nangyari pero ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para mapalaki ng maayos ang kaniyang anak. Ngunit ng ito ay magdalaga ay hindi inaasahang nabuntis ito at sobrang galit sa kaniya si Jener na nagawa niya itong palayasin.

Ang pinakamasakit para sa kaniya ay 'yung hindi na siya binalikan ng kaniyang anak at hanggang ngayon ay hindi na niya ito nakita pa. Kahit na hindi gano'n kaganda ang naging relasyon nila bilang ama at anak, dahil nga ay 18-anyos pa lamang siya no'n, alam niya sa sarili niyang mahal niya ito.

Ngayo'ng mag-isa na lamang siya ay naisip niya ang ginawa niya kay Helena kanina. Sa tuwing nakikita niya ang anak niyang 'yon, kahit na ampon lang, ay hindi niya maiwasang maalala ang anak niya'ng nang-iwan sa kaniya. Kaya gano'n na lamang ang naging galit niya ng malaman na nakipaghalikan siya sa lalaki ay bumalik muli sa isipan niya ang mga nangyari noon at inisip niya na baka mangyari din kay Helena 'yon. Kahit na hindi niya sinasabi at palagi niyang sinusungitan si Helena ay mahal na mahal niya ang anak niya'ng 'yon. Nadala lang talaga siya sa galit kanina kaya niya nagawa iyon. Ngayon ay pinagsisisihan na niyang ginawa niya 'yon sa anak niya at naisip na hihingi siya ng tawad kapag nakauwi siya sa bahay. Pero ng makarating ng bahay ay nalaman niya na nasa bahay ito ng kaibigan niya.

Nakaramdam siya ng sakit sa dibdib ng malamang iniiwasan na muna siya ng kaniyang anak, pero wala naman siyang ibang masisisi kung hindi ang anak niya dahil sa ginawa niya. Nadatnan na din niya ang anak niyang lalaki ng makarating sa bahay. Nagalit sa kaniya ito dahil sa ginawa niya sa nakababatang kapatid nito pero hindi na lamang niya pinansin ang anak.

Inaya siya ng kaniyang asawa na si Ellen para mag-usap sa kanilang kwarto. Inaasahan ni Ellen ay magbubunganga ang asawa dahil pag-u-usapan nila si Helena, pero nanibago siya dito ng tahimik lang ito at nakikinig sa kaniya. Ngayon ay lubos ang pagsisisi ni Jener sa ginawa niya sa kaniyang anak. Humingi ito ng tawad sa asawa at napagkasunduan na makipag-ayos sa anak kinabukasan. Ngunit ang usapan an iyon ay hindi matutupad ng biglang may manghinasok sa bahay nila ng hating gabi. Purong nga nakaitim ang mga lalaki at may tela'ng nakatakip sa kanilang mukha kaya ay hindi nila namukhaan ang mga ito. Kung makita man nila ang mga mukha ay hindi din nila makikilala.

Unang kinuha ang nakatatandang anak ng walang ingay. Dinakip ito at isinakay sa kanilang mga sasakyan. Sinunod ang kwarto ng mag-asawa. Naalimpungatan si Jener kaya ng makita ang mga lalaki ay agad niyang kinuha ang baril niya sa ilalim ng kama ngunit bago pa man niya ito makasa ay nahablot na siya ng lalaki, dahilan upang mabitawan ang baril. Malakas itong hinampas sa batok kung kaya't nawalan ito ng malay. Nasaksihan ni Ellen ang pangyayari kung kaya't napasigaw ito at tumakbo papunta sa asawa'ng nakahilata sa sahig at sinubukan itong tulungan.

Halos manlabo ang mga mata ni Ellen kakaiyak. Ang nasa isip niya ngayon ay ang dalawa niyang anak. Napaangat siya ng tingin sa mga gumawa nito sa kanila. Base sa suot nila ay hindi ito basta basta magnanakaw lang, at isa pa, pare-parehas ang kanilang suot na para ba'ng uniporme nito iyon.

"Sino kayo?!" sigaw niya at bumaba naman sa lebel niya ang isang lalaki bago hinawakan ang siya sa panga.

Napaingit sa sakit si Ellen at nanlaki ang mga mata niya ng makita ang kutsilyong hawak ng lalaki'ng nasa harap niya.

"'W-Wag.." bulong niya at saka tumingin sa mga mata ng kaharap.

Naningkit ang mga mata nito. Ang tanging nasa isip niya na lamang ay ang kaniyang mga anak. Nagsunod sunod ang tulo ng kaniyang mga luha ng maramdaman niyang bumaon sa tagiliran niya ang kutsilyo. Lalo siyang napapikit ng idiin ito, dahilan upang mawalan siya ng malay at matumba sa sahig, tabi ng kaniyang asawa.

THE KISMET ***ongoing***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon