Saka lang ako pumasok ng bahay ng sa tingin ko ay maayos na ang itsura ko. Sinigurado kong hindi garalgal ang boses ko para hindi sila makahalata.
Hindi ko alam kung sasabihin ko pa sa kanila ang nangyari. Ayokong mag-alala sila.
Nang makapasok ako ay nakita ko agad si mama na nagluluto sa kusina. Ngumiti ako at saka lumapit sa kaniya para magmano at humalik sa pisngi.
"Kamusta? Bati na ba kayo ni Valerie?" tanong niya at pinilit ko namang alisin ang nangyari kanina at ngumiti sa kaniya.
"Siyempre, 'di naman niya ako kayang tiisin e," kunwaring pagmamalaki ko.
Mula sa sala ay sumalo sa kuwentuhan namin si kuya kaya tinignan ko siya. Naningkit ang mga mata niya ng tumitig sa mata ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
"Umiyak ka ba?" tanong niya kaya humarap din sa 'kin si mama at saka sinuri ang mukha ko.
"Oo nga, bakit ka umiyak?" nag-aalalang tanong niya at peke naman akong tumawa.
"'Di naman kami magbabati ni Valerie hangga't walang nangyayaring iyakan e," pagsisinungaling ko.
Sa isip isip ko ay nagdadasal ako na sana maniwala na lang sila at 'di na magduda pa.
"Ba't ba ang drama niyong mga babae?" kunot noong tanong ni kuya.
Nilingon ko naman siya. "Pag umiyak, madrama na agad?"
"Oo. Ba't naman kaming mga lalaki, simpleng 'pre, pasensya na,' ay ayos na. Kayo kailangan niyo pa'ng mag-iyakan." natatawang sabi niya.
"Kaya nga magkaiba ang babae sa lalaki e," irap ko pero nag-make face lang siya.
"Emosyonal lang talaga kaming mga babae, at ang pagiging emosyonal ay iba sa pagiging madrama." nangangaral ang tono ni mama kaya ngumisi ako kay kuya.
"Ano ha? Aangal pa?" hamon ko kunwari kasi kinampihan ako ni mama.
"Mas emosyonal kaming mga lalaki! Hindi lang namin ipinapakita kasi ayaw namin na isipin ng iba na mahina kami." depensa naman ni kuya.
Tumaas naman ang kilay ko. "Did you know na the more you hide what you feel, the more you become weak?"
Umismid naman si kuya. "Sino naman nagsabe niyan?"
"Ako. Bakit?" pagmamalaki ko.
"'Di rin," nakangising iling niya.
"Sige nga, bakit?" pumamewang ako.
"Bihira mong kasing makikitang umiiyak ang lalaki. Halimbawa, kapag umiyak ang lalaki para sa isang babae, asahan mo'ng sobra niyang mahal 'yon." mayabang siyang ngumisi na hinampas niya pa ang dibdin niya.
Natawa naman kami ni mama sa kakornihan ni kuya.
"Korni mo," sabi ko na lang.
"Oy hindi korni 'yon! That's a fact,"
"Nakipag-break ba sa 'yo girlfriend mo kaya ka nagkakaganiyan--ay!" umakto akong nagulat na tinakpan ko pa ang bibig ko. "Wala ka nga palang girlfriend,"
Tapos ay tumawa kami ni mama.
"At least ikaw wala ka ding boyfriend--ay!" ginaya ako ni kuya. "May boyfriend ka na nga pala," pang-aasar niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Anong boyfriend?" takang tanong ni mama at magri-reason out pa sana ako ng biglang dumating na si papa.
Para makatakas sa mga tanong ni mama ay tumakbo papunta kay papa para magmano. Narinig ko naman ang nang-aasar na tawa ni kuya.
BINABASA MO ANG
THE KISMET ***ongoing***
RomansaSa normal na pamumuhay ni Helena ay hindi niya inaasahang may mangyayari na makapagpapabago ng takbo ng buhay niya. Sa mundong kinabibilangan ay hindi mawawala ang mga rebelyon na puno ng paghihimagsik at paghihiganti ang nasa isip. Hindi niya inaa...