"Oh, ba't namumula ka? Nilalagnat ka ba?" tanong sa 'kin ni kuya ng makapasok ako sa bahay.
Bigla ay naitikom ang bibig ko at kumunkt ang noo niya. Umiling ako pero tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa at saka lumapit sa 'kin.
Napaatras pa 'ko ng ipatong niya ang likod ng palad niya sa noo ko para malaman kung may sakit ba talaga ako.
"Ba't ang lamig ng pawis mo? Okay ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong niya.
"Wala akong sakit!" Nilagpasan ko siya at saka naglakad papunta sa kusina.
Bigla ay naisip ko na naman 'yung pakiramdam ng labi ni Miguel sa labi ko kanina. Uminit ang mga pisngi ko at nagpigil ako ng ngiti.
Kung wala lang si kuya dito ay kanina pa ako nagtiti-tili dito.
"N-Nasa'n si mama?" pag-iiba ko ng topic.
Pinilit ko'ng umakto ng normal kasi halatang nawiwirdohan na sa 'kin si kuya. Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya na nag-kiss kami ni Miguel kanina.
Nag-kiss kami ni Miguel. Eeh.
"Hoy!" medyo napaigtad ako ng sigawan ako ni kuya.
"Bakit?"
"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Ba't ngumingiti ka mag-isa diyan?"
Nanlaki ang mga mata ko. "Anong nasisiraan ng ulo? Pag ngumiti lang may sira na agad ang ulo?" depensa ko sa sarili ko.
"May boyfriend ka na, 'no?" paghihinala niya at bumilis naman ang tibok ng dibdib ko.
Pinilit ko'ng gawin na seryoso ang mukha ko. "Kalokohan lang naisip ko. Kailangan boyfriend agad?" nag-mamaang-maangan na sabi ko.
"Pag nalaman ko lang," umismid pa siya bago bumalik sa pagkakaupo sa sofa.
Agad naman akong tumalikod para dumeretso sa kwarto ko. Hindi ako tumakbo para hindi niya mahalata. Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ko ay sinilip ko pa si kuya na ngayon ay nilalaro ang phone niya bago mabilis na pumasok ng kwarto, pero dahan dahan ko'ng isinara ang pinto.
Tumakbo ako palapit ng kama at patalon na sumampa dito. Kinuha ko ang unan ko at saka idiniin sa mukha ko bago do'n tumili ng walang tunog.
Makalipas ng ilan pang walang tunog na tili ay hinihingal akong bumangon para kuhain ang phone ko sa bag ko at saka tinawagan si Ruby.
Naka-ilang ring pa 'to bago niya sagutin.
"Bakit?" tanong niya.
Kinagat ko naman ang labi ko para pigilan ang mga ngiti ko.
"Hoy," tawag niya ng hindi ko siya sinagot.
"A-Ano kasi..."
"Ano? Bati na kayo ni Valerie?"
"Ha-? Hindi! Iba 'to," niyakap ko ang mga tuhod ko habang nagpipigil ng kilig.
"Ano nga? Para namang ewan ayaw na lang deretsu-"
"Nag-kiss kami ni Miguel kanina." mahina pero mabilis na sabi ko at natigilan naman siya.
Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kaliwang kamay ko habang hinihintay ang reaksyon niya.
"S-Seryoso?"
"Eeeeh!" impit na tili ko bago nagpagulong gulong sa kama.
"Puta seryoso nga?!" sigaw niya kaya natatawa akong umupo ulit.
"Oo nga!"
"Gago 'di nga?! Tang ina totoo?!" hindi pa rin siya makapinawala.
"'Wag mo nga ako murahin ng murahin!" suway ko. Anlakas din kasi ng boses.
BINABASA MO ANG
THE KISMET ***ongoing***
RomanceSa normal na pamumuhay ni Helena ay hindi niya inaasahang may mangyayari na makapagpapabago ng takbo ng buhay niya. Sa mundong kinabibilangan ay hindi mawawala ang mga rebelyon na puno ng paghihimagsik at paghihiganti ang nasa isip. Hindi niya inaa...