Hindi ako matulog. Napalingon ako sa orasan na nakasabit sa dingding sa harap ko, 1:24 am na ng madaling araw at hanggang ngayon ay hindi pa din ako dinadapuan ng antok.Hindi ako makapaniwalang tinangka akong gahasain ni Cedrick. Alam kong wala akong karapatan sabihin na siya talaga 'yung humablot sa 'kin pero wala na akong ibang maisip na gagawa sa 'kin no'n. Lalong nakapagpatibay sa hinala ko na siya 'yon ay no'ng sinabi ni Rebekah na dalawang araw na daw palang nando'n 'yung katawan ni Cedrick.
Hindi naging maganda ang huling pag-uusap namin ni Cedrick, kaya siguro niya nagawa 'yon. Pero halos isang buwan na din ang lumipas matapos 'yon.
Ang nakakapagpakaba pa sa 'kin ay posibleng 'yung taong nagligtas sa 'kin ay siya ring pumatay sa kaniya.
"...bali ang leeg," Nagpaulit-ulit sa isip ko 'yung sinabi ni Ruby.
Posible kaya no'ng pagkahablot pa lang niya kay Cedrick ay nilagutan na agad niya ito ng hininga? Pero bakit hindi ko man lang narinig 'yung tunog ng leeg?
Bobo. Humahagulgol nga pala 'ko no'n.
Simula no'ng nangyari no'ng biyernes ng gabi ay takot na akong lumabas ng bahay sa gabi, pero dahil sa nalaman ko kanina ay lalo akong nawalan ng lakas ng loob na lumabas ng bahay. Gusto ko na lang magkulong dito sa loob ng kwarto.
Napa-paranoid ako. Natatakot akong tumingin sa labas ng bintana kapag gabi na dahil iniisip ko na baka bigla ay may makita akong tao na nakasilip sa labas. Halos mapatalon na lang ako sa gulat kapag may naririnig akong kaluskos ko ingay na hindi ko alam kung saan nanggaling.
Hindi na ako natatakot ng dahil sa nangyari, ang kinatatakutan ko ngayon ay ang katotohanan na mamamatay tao din 'yung tumulong sa 'kin.
Magdamag ko'ng pinag-iisipan at naghahanap ng posibleng dahilan kung bakit niya ako pinaalis no'n, kung kayang kaya naman niya akong patayin? At sa buong magdamag na 'yon ay hindi nawawala ang kaba sa dibdib ko.
Inabot ako ng umaga kakaisip. Literal akong walang tulog. Nag-alarm ang phone ko na dilat na dilat pa ang mga mata ko.
Tinatamad akong bumangon kaya hinayaan ko lang na mag-alarm ng mag-alarm 'yung phone ko. Nakatulala lang ako sa kisame.
Maya maya ay may kumatok sa pintuan ko.
"Helena! Bangon na! Patayin mo na ang alarm ng phone mo," narinig ko ang boses ni mama at napabuntong hininga naman ako.
"Opo..." halos ibulong ko lang 'yon.
Wala akong ganang pumasok. Ang bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko nakahiga lang ako magdamag pero hindi puwede. Kailangan kong pumasok.
"Helena!" tawag pa ni mama habang kumakatok.
Huminga ako ng malalim para makaipon ng lakas para sumagot.
"Po?"
Bigla ay bumukas ang pintuan at nilingon ko naman si mama na nakatayo.
"Bangon na," pumamewang siya at dahan dahan lang ako na tumango.
"Saglit lang po," sabi ko bago pumikit saglit.
Walanya naman. Ngayon pa ako inantok.
Narinig ko ang paglapit ni mama sa 'kin at sunod ko na lang na naramdaman ay ang likod ng palad niya na dumapo sa noo ko.
"Ang init mo, anak! Nilalagnat ka!" nag-aalang sabi ni mama at sumimangot naman ako.
"Ayos lang naman po pakiramdam ko e," sabi ko.
"Ano ba? Natulog ka ba? Ang putla mo ta's anlaki pa ng eyebags mo." sabi pa ni mama at kumunot naman ang noo ko pero hindi ako sumagot.
Naging abala si papa kahapon sa baranggay, dahil nga sa nangyari. Si mama naman ay nasa bahay ng magulang ni Cedrick dahil magkaibigan naman sila kahit papaano.
BINABASA MO ANG
THE KISMET ***ongoing***
RomanceSa normal na pamumuhay ni Helena ay hindi niya inaasahang may mangyayari na makapagpapabago ng takbo ng buhay niya. Sa mundong kinabibilangan ay hindi mawawala ang mga rebelyon na puno ng paghihimagsik at paghihiganti ang nasa isip. Hindi niya inaa...