"Ma, alis na po ako." kumuha ako ng isang tinapay sa lamesa.
Kakainin ko iyon habang naglalakad ako papuntang bahay nila Ruby.
"Hindi ka sasabay sa kuya mo?" tanong ni mama mula kusina.
"'Di na. Napakatagal e," iling ko.
"Maaga pa ah? Hintayin mo na para may kasabay ka,"
"Sasabayan ko po si Ruby." sabi ko.
Kinuha ko sa sofa ang bag ko bago iyon isinukbit sa balikat ko.
"Ellen!" narinig kong tawag ni papa na kalalabas lang ng kwarto, bagong gising.
"May pagkain na sa lamesa, mag almusal ka na." dinig kong sabi ni mama.
"Itlog na naman? Walanghiya, magiging manok na 'ko kakakain ng pritong itlog eh. Wala na bang iba?"
Hindi pa ako tuluyang nakalabas ng bahay ay nadinig ko na naman ang pagbubunganga ni papa.
Napailing na lang ako bago dumeretso palabas.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa bahay nila Ruby. Malapit lang kasi sila sa 'min kaya sa tuwing papasok ako ay nadadaanan ko ang bahay nila.
Huminto ako sa tapat ng gate nila bago pinindot ang doorbell. Tatlong beses ko 'yon pinindot na magkakasunod.
"Sandale naman!" iniluwa ng pinto nila si Rebekah, ate ni Ruby.
Halatang iritado ang mukha nito at ng makita akong nakatayo sa tapat ng bahay nila ay lalong sumama ang mukha nito.
"Ano kailangan mo?" bastos ang pagkakasabi niya pero binalewala ko na lang, sanay na ako.
"Si Ruby,"
Tatlong segundo pa niya ako tinitigan bago inirapan.
"Ruby! Nandito kaibigan mo!" sigaw niya ng nakatingin padin sa 'kin bago ako talikuran para pumasok ng bahay.
Napabuntong hininga ako ng padabog niyang isinara ang pinto.
Hindi man lang ako pinapasok.
Maya maya ay nakita kong nagmamadaling lumabas ng bahay si Ruby.
"Ang aga pa!" angal niya.
Naka-uniporme na siya pero nakapulupot pa sa tuwalya ang buhok niya. Napansin ko din ang itim na kolorete sa kaniyang mga mata kaya kumunot ang noo ko.
"Akala ko ba ay ayaw mo nang maglagay ng ganiyan sa mata mo kasi mahirap tanggalin?" tanong ko habang pinagbubuksan niya ako ng gate.
Ngumiti siya ng parang bata. "Nagbago isip ko eh, may angal?"
Pumasok ako at isinara niya ang gate.
"Kaya lalo umiinit dugo sa 'kin ng ate mo kasi kung ano gawin ko, ginagawa mo din." ngisi ko at ngumiwi lang siya.
Parehas kasi kaming mayroong medyo makapal na itim na eyeliner pero gumaya lang siya sa 'kin.
"'Wag mong pagpapapansinin 'yon. Wala lang magawa 'yon kasi nag-break na naman sila ng jowa niya."
Tumaas ang kilay ko. "Talaga? Kailan?"
"Kagabi. Kung makahagulgol nga akala mo nabuntis eh," tawa niya kaya natawa din ako.
"Eh baka nga buntis,"
Mainit ang dugo sa 'kin ni Rebekah kasi 'yung unang boyfriend niya, nagkagusto sa 'kin. Kasalanan ko din naman kasi pinatos ko.
May kasalanan din naman siya, 'yon ay 'yung pinabayaan niyang makipaglandian sa iba ang nobyo niya. Kung tutuusin ay inosente ako nung una kasi 'di ko inakalang hahalikan niya ako
nung gabi na 'yon.
BINABASA MO ANG
THE KISMET ***ongoing***
RomanceSa normal na pamumuhay ni Helena ay hindi niya inaasahang may mangyayari na makapagpapabago ng takbo ng buhay niya. Sa mundong kinabibilangan ay hindi mawawala ang mga rebelyon na puno ng paghihimagsik at paghihiganti ang nasa isip. Hindi niya inaa...