THE KISMET: CHAPTER 3

11 3 0
                                    

"I heard about Mrs. Santos' concern from the principal," biglang nagsalita si Ma'am Corpuz.

Lima na lang kaming estudyante dito sa classroom. Uwian na at kaming lima, kasama si Ruby at tatlong lalaki, ang cleaners ngayon.

Nagkatinginan kami ni Ruby pero walang sumagot sa 'ming dalawa.

Bumuntong hininga si Ma'am at humalukipkip siya at tumingin sa 'kin na nagwawalis malapit sa tapat ng desk niya.

"Your grades are failing, Linhares." aniya at natigilan ako.

Itinigil ko ang pagwawalis at saka humarap sa kaniya.

"P-Po?"

Saglit niya pa akong tinitigan bago nagsalita ulit.

"If you do not pass tomorrow's quarterly exam, you won't be able to pass this quarter." sabi niya at napakurap na lang ako.

Shet oo nga pala. Quarterly exam na bukas! Potek! Nawal sa isip ko!

"Wala na ang focus mo sa pag-aaral. Hindi ka naman ganiyan no'ng mga nakaraang quarters. What's happening to you, Helena?" halatang concern siya sa 'kin, dahil na din sa tinawag niya ako sa unang pangalan ko. Bihira niyang gawin 'yon kapag nandito kami sa paaralan.

Naramdaman kong tumabi sa 'kin si Ruby pero hindi ko siya nilingon. Nakatulala pa rin ako kay Ma'am.

"Kasi if your reason ay ang barkada, bakit naman ang grades ni Gonzalo ay okay lang? She's keeping it up, those straight 90s. You need to catch up." dagdag pa nito at napatungo ko.

Nakaramdam ako ng kaba. Nu'ng huling bumagsak ako ay no'ng last year pa, at bugbog ang inabot ko kay papa. Wala si mama no'n kaya walang nakapigil sa kaniya na paluin ako ng paluin.

Bigla ay nanlamig ang mga kamay ko. Wala akong ibang sisisihin kung hindi ang sarili ko. Nagpabaya ako ngayon at kung anu-ano ang mga pinagtuonan ko ng pansin.

"You still have a chance." nag-angat ako ng tingin kay Ma'am. "If you get a perfect score sa exam, magiging flat 85 ang average mo this grading." sabi niya.

Naramdaman ko ang kamay ni Ruby sa balikat ko. "Kaya mo 'yan. Ikaw pa," pagchi-cheer up niya sa 'kin.

Natapos kaming maglinis kaya ng makalabas kami ay medyo madilim na. Alas sinko ang dismissal pero hanggang huwebes lang ang regular classes. Bukas na ang exam, tang ina ba't nawal sa isip ko.

"Ang tagal niyo naman maglinis! Kanina pa kami naghihintay eh!" Angal ni Valerie na nakaupo sa bench sa tapat ng school.

"Libre niyo kame! Pinaghintay niyo kami ng matagal e," Hirit ni Cyrus.

Hindi ko siya pinansin pero si Ruby ay umismid.

"Kapal mo, buti sana kung jowa kita eh,"

"Ah, gusto mo pang magpaligaw?" tawa ni Cyrus.

"Yie! Kayo ah!" kantyaw ng mga kaibigan ko.

Pero malayo ang tingin ko. Namomroblema ako kung paano 'ko re-review-hin lahat ng subjects overnight. Hindi pa naman ako nakikinig.

"Okay ka lang?" nilapitan ako ni Miguel at nginitian.

Bigla ay lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"O-Oo naman," pilit na ngiti ko na lang.

"Ba't namumutla ka? May problema ba?" alalang tanong niya.

Agad akong umiling. "Wala talaga! Hehe.."

"Gusto mong kumain? Libre ko," nakangiting alok niya at lalo akong kinabahan.

"'YUN OH! KING INA BAKA KASALAN NA KASUNOD NIYAN!" biglang sigaw ni Cyrus kaya napatingin kami sa kaniya.

THE KISMET ***ongoing***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon