THE KISMET: CHAPTER 11

6 2 0
                                    

"Bakit ka pa umuwi, baka may quiz ngayon," matamlay na sabi ko kay Valerie habang naglalakad kami papunta sa bahay nila.

Akay akay niya ako dahil hindi rin ako makapaglakad ng maayos. Hanggang ngayon kasi ay medyo nanghihina pa din ang mga tuhod ko dahil sa nangyari kanina.

Alas kwatro palang ngayon at alas sinko ang uwian. Nu'ng pinatawag daw sila sa guidance office kanina, kasama 'yung tropa nila Rizza, du'n daw sinabi ni Sir Guino na nagreklamo sa kaniya 'yung may ari ng karinderya na pinasukan namin nu'ng biyernes. Halata daw sa reaksyon ni papa na galit siya kaya nag-alala siya na baka anong gawin sa 'kin ni papa.

Sila Rizza din daw ang dahilan kung bakit nalaman nila mama at papa 'yung ginawang paghalik sa 'kin ni Miguel. Kinuhaan daw nila kami ng litrato no'ng oras na 'yon. Sinabi na daw nila lahat ng alam nila, katulad ng pag-amin nila Valerie na sila 'yung may kagagawan nu'ng sa kotse ni Rizza. Dapat daw ay walang suspension 'yon dahil sa labas naman daw ng eskwelahan naganap, papairmahin lang sa logbook, pero dahil sa pagsisinungaling nila ay suspended sila ng tatlong araw simula bukas.

Tumakas lang si Valerie sa school, dapat nga sila daw lahat ang liliban, tutal suspended naman daw sila ng tatlong araw, pero sabi ni Valerie ay siya na lang daw.

Nu'ng pagpunta ni Valerie sa bahay ay saktong kaaalis lang ni papa matapos ng ginawa niya sa 'kin. Naabutan niya kami ni mama sa kwarto at walang tao sa labas kaya pumasok na siya sa kwarto ko. Inalok niya ako na sa bahay muna nila magpalipas ng gabi at pumayag naman si mama. Susubukan daw niyang kausapin si papa pero kinakabahan ako para sa kaniya, baka kasi ay pagbuhatan din siya ng kamay.

"Ayos lang. Kasalanan ko din naman kung bakit pa tayo napaaway eh," sabi niya at bumuntong hininga naman ako.

"'W-Wag na lang natin pag-usapan," mahinang sabi ko.

Tumango na lang siya.

Nang mapagtanto ko'ng sa eskinita kami dadaan ay napahinto ako sa paglalakad.

Nilingon ako ni Valerie. "'Kasama mo 'ko, at saka ang liwa-liwanag pa oh," ngumiti siya at kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Nagsimula kami tumawid sa eskinita at pinapanatili kong sa baba lang ang tingin ko.

"Baka mahirapan ka kasi lalo kapag sa dulo pa tayo dumaan."

Natulala na lang ako habang naglalakad. Sa isip isip ko ay nagdadasal ako na sana ay 'wag na lang kausapin ni mama si papa para hindi mabaling sa kaniya ang init ng ulo. At hanggang ngayon ay iniisip ko pa kung sino 'yung nagligtas sa 'kin.

Sa sobrang pagkatulala ko ay hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay nila Valerie.

"Wala sila mama at papa, bibisitahin nila ang lola sa cebu at ilang araw ang itatagal nila do'n kaya tayong dalawa lang dito." sabi niya habang papasok kami ng gate.

Walang kapatid si Valerie at ang lola niya ay may sakit kaya kinailangang dalawin.

"Maupo ka muna diyan, kukuha ako ng yelo ta's gamutin natin 'yang sugat mo." sabi niya kaya hindi na ako nagsalita at naupo na lang ako sa sofa.

Dahan dahan ko'ng ibinagsak ang katawan ko sa upuan. Pakiramdam ko ay sobrang bigat ng katawan ko. Saglit ko munang ipinikit ang mga mata ko at ng maramdaman ko'ng makakatulog na ako ay bigla namang tumabi sa 'kin si Valerie kaya umayos ako ng upo.

"Sige lang, mahiga ka na." pigil niya sa 'kin at sumunod na lang ako sa kaniya.

Ipinuwesto niya 'yung unan para higaan ko bago niya inilapag sa lamesita 'yung palangganang may tubig at yelo. Nilamas niya do'n ang isang bimpo at ng pigain ay dahan dahang dinampi sa pisngi ko'ng nagkasugat at namamaga.

THE KISMET ***ongoing***Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon