"Seryoso?" parang hindi makapaniwalang tanong ni Ruby ng sabihin ko sa kaniya 'yung nangyari sa office kanina.
Maaga ang uwian ngayon at tapos na kami mag-test kaya ngayon ay hinihintay na lang namin 'yung apat na lumabas. Magkakaklase kasi sila.
Apat silang nasa first section. Actually, dapat nasa pilot section din si Ruby pero nagpalipat siya sa second section kasi magiging mag-isa lang ako.
"'Yung pag-uusap namin kanina, principal to student lang. Walang kakaiba or anything na creepy," sabi ko.
Nandito kami nakaupo sa bench sa tapat ng school, hinihintay 'yung apat.
Kumunot naman ang noo ni Ruby na parang nag-iisip siya ng posibleng dahilan kung bakit gano'n 'yung ginawa niya kay Valerie.
"Eh baka naman nagha-hallucinate lang si Val kanina kaya niya nasabi 'yon?" sabi niya na humarap pa sa 'kin.
"Gago, ano adik lang?" ngiwi ko.
"Pwede?" sabi niya na nauubusan ng posibleng mga dahilan. "Eh kasi sa itsura ni Sir Guinno, parang napaka-elegante niya! Masungit tignan pero siya 'yung tipong 'di makabasag pinggan? 'Yung gano'n? At isa pa, wala pang trenta 'yon! Mukhang marami namang babae diyan na mas pipiliin niyang patusin kaysa sa kaibigan natin." paliwanag niya at lalo lang akong naguluhan.
"A-Ano? So sinasabi mo'ng imposibleng may pumatol kay Valerie?"
"Ha? Ano ba!" biglang sigaw niya kaya nagulat ako.
"B-Bakit?!"
"Parang mas gusto mong patusin siya ni Sir ah!" hinampas niya ako sa braso kaya nanlaki ang mga mata ko.
"Baliw! Ano bang pinagsasabe mo?!" singhal ko.
"Ewan! 'Wag na nga lang natin pag-usapan 'yan." iritadong sabi niya kaya napaismid ako.
"Kung anu-ano pinagsasabe mo tapos 'wag pag-usapan." bulong ko na lang.
Maya maya lang ay lumabas na 'yung apat. Napagkasunduan namin ni Ruby na 'wag na lang muna sabihin kay Valerie 'yung kanina. Baka kasi maging paranoid saka mukha namang okay na siya kanina. Saka na lang kapag naulit. Irereport na namin siya sa admin.
"Oy ambagan ah!" sabi ni Roy.
Napag-usapan kasi namin na mag-foodtrip, tutal maaga pa naman.
"Wala akong pera," ani Cyrus.
"E 'di 'wag kang kumain. Problema ba 'yun," sabi ni Valerie.
"Uwi na," gatong ni Ruby.
"Kaibigan ko ba talaga kayo? Ni wala man lang mag-volunteer na ilibre ako?" kunwaring simangot niya kaya natawa na lang kami.
"Mamamatay sa gutom ang manlilibre sa 'yo kaya 'wag ka ng umasang may magvo-volunteer." sabi ni Ruby.
Napagkasunduan namin na sa karinderya na lang kumain para makamura, at saka para 'di na mapalayo.
"Ang daming tao," napasimangot ako.
"Nagugutom ka na ba?" napalingon ako kay Miguel.
"M-Medyo," sabi ko.
"Meron pa naman 'ata sa loob, tara." sabi niya bago maunang pumasok.
Sumunod na lang kami.
"'Yun oh, lilibre mo 'ko, Miguel?" banat ni Cyrus.
"Hindi,"
"Wala ka ba talagang pera?" tanong ni Ruby sa kaniya.
"Meron,"
BINABASA MO ANG
THE KISMET ***ongoing***
RomansaSa normal na pamumuhay ni Helena ay hindi niya inaasahang may mangyayari na makapagpapabago ng takbo ng buhay niya. Sa mundong kinabibilangan ay hindi mawawala ang mga rebelyon na puno ng paghihimagsik at paghihiganti ang nasa isip. Hindi niya inaa...