Rhianne's POV
HOSPITAL
Dinala ako ni Anne sa pinakamalapit na hospital at ayon nga ginamot na ang sugat ko at tinggal ang mga bubog sa kamay ko.
Andito ako ngayon sa isang ward at nagpapahinga, kakatapos lang kasi gamutin nung sugat ko.
"Miss, Okay na po 'yang kamay niyo.. Wag niyo lang po i-fo-force galawin dahil baka bumuka at dumugo ulit. By the way miss, pwede na po kayo umuwi.. Kunin niyo na lang po yung medical kit at gamot sa dulo, thank you po."
"S-Sige sige thank you" si Anne ang sumagot dahil di ko nga trip magsalita.
Inayos na ni anne ang mga gamit namin.
"Tinawagan ko na si Kuya Rico, baka papunta na 'yon."
Tumango na lang ako.
Tulala parin at lumilipad ang isip.
Nakita ko na sumimangot si Anne habang nakatingin sa akin.
"Medyo namumutla ka oh? Gusto mo ba kumain?"
Umiling naman ako.
Bumuntong hininga siya.
"Ano ka ba naman rhi? Kumain ka naman oh, namumutla ka na, e."
Umiling ulit ako.
Gusto ko ng umuwi...
Hihiga na sana ako para matulog ng marinig ko ang boses ni kuya.
"Rhi!"
Lumapit ito sa akin at chi-neck ako. Kumunot ang noo niya ng mapansing tulala at namumutla ako.
"Anong nangyare sa kaniya?" Tanong niya kay Anne.
Malungkot na tumingin sa akin si Anne.
"Nabubog siya at grabe ang sugat sa kamay niya at madami dami din yung bubog sa loob kaya kailangan namin siya dalhin dito, pero okay naman na siya.. hindi nga lang nagsasalita at palaging nakatulala"
Tumango si kuya.
"Sige.. Paki-ayos na lang yung mga gamit at uuwi na tayo"
Napa-ngiti ako.
Sa wakas uuwi na..
***
"Bunso sigurado ka bang ayos kana?" Tanong sa akin ni kuya at inalalayan ako sa pagpasok sa kwarto ko.
Tumango ako at ngumiti.
"Sabihin mo sa akin kung may kailangan ka ah?"
Tumango ako.
Pumasok na ako sa loob at humiga sa kama.
Hayy.
Nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip kung ano nang nangyayare sa puso kong ito.
Gusto ko nang sumuko at mag focus na lang sa studies pero wala eh,
Mahal ko kasi siya..
Sa kakaisip sa mga nangyari kanina ay nakatulog ako..
Nagising ako dahil sa mahinang pagyug-yog sa akin ni kuya.
"Bunso.. Kain na."
Ayaw ko pang bumangon dahil sa gustong gusto ko ipahinga ang katawan, isip at PUSO ko kaso kumakalam narin ang sikmura ko kaya idinilat ko ang mga mata ko at tumango kay kuya.
"Hihintayin kita sa baba.. Mag-ayos ka ah" at lumabas na siya.
Mag-ayos?
Kumuha ako ng maayos ayos na damit sa cabinet at nagbihis. Nag suklay lang ako pagkatapos ay bumaba na ako, nasangga pa nga ang kamay ko kaya napangiwi ako.
BINABASA MO ANG
His Yellow Gaze
VampireA normal girl with a wild imagination and great love for fantasy. Dati rati nababasa niya lamang sa mga libro ang mga bampira at ang iba pang mystical creatures, not until she met his yellow, golden, and alluring gaze.