Volume 12

13 2 0
                                    

            Naglalakad na ako nun papuntang room ng marinig ko ang usapan ng dalawang babae.

“alam nyo ba kahapon, si Drew sinigawan si Farra.”

“eeh? Bakit daw?”

“gawa ata ng may inaway si Farra, yung BA (Business Ad) na palaging kasama ni Drew.”

“talaga? Ano daw sabi ni Drew?”

“sabi niya kung ayaw daw ni Farra ng gulo layuan daw yung BA.”

“sinabi niya yun?”

“at meron pa. sabi niya, pag nalaman daw niyang may ginawang hindi maganda dun sa BA, siya daw ang makakalaban ni Farra. You know what he even told na that BA girl is really important to him. Ang swerte nung BA girl no”

O________O.  g-ginawa talaga yun ni D-Drew?

Tug. Tug. Tug. Tug.

Oh. Anong meron sa puso ko? . irregular yung beat. Hmmm. Siguro napagod ako kalakad kaya ang bilis ng tibok. Nako kailangan ko ng makapunta agad sa room.

Pagkarating ko sa room. Nandun na si Jayden.

“Sophia, alam mo na?”

“ang alin?”

“yung ginawa ni Drew”

Makapagpretend palang hindi ko alam.

“hindi eeh”

“ahhh, ganun ba sige.”

At iyon another boring lesson.

Nasa tambayan lang kaming tatlo nun. At iba’t iba ang ginagawa naming tatlo. Si Jayden naglalaro ng iPad niya (galante). Si Drew naman tinitingnan yung wallet niya may kinakalikot (lang kwenta) at ako, nagbabasa ng notes sa Personality Development (interesting).

“Drew, ano ba yang ginagawa mo sa wallet mo? Ano bang meron dyan?” kanina pa kasi akong curious eeh.

“wala naman. “

“ano nga?”

“picture lang to. Picture namin nung bestfriend ko nung elementary”

Eeh? May bestfriend din siya nung elementary? Ako din meron eeh. Ang galing pareho kami.  Kaya lang yung bestfriend ko, naiwan ko siya ditto nung nagmigrate kami sa States  dahil sa pagkakasakit ni Lola, yung mother ni Mommy. Dun kasi sila nakatira eeh. Kaya nung bumalik kami ditto nung 2nd year high school na ako, hindi ko na siya nakita pa, hinanap ko siya pero nung nalaman ko yung tungkol sa sakit ko itinigil ko na yung paghahanap. Yung sa kanya kaya, nasan na kaya yung bestfriend niya?

“oh bat natahimik ka Aqui?”

“ahhh wala naman”

“ALL STUDENT OF COLLEGE OF ENGINEERING AND COLLEGE OF BUSINESS ADMINISTRATION, PROCEED TO GYMNASIUM RIGHT NOW”

“bakit naman kaya?”

“ewan ko!” tatanung tanong to eeh pare-pareho kaming narito parang alam ko.

“Drew, Sophia. Tara na”

Pagkarating naming sa gym, nagtabi kaming tatlo sa isang bleacher. Yung mga babae sa paligid namin puro nakatingin sa min. syempre katabi ko ba naman si Drew at Jayden ano pang ineexpect ko. Buti hindi natutunaw yung mga to sa kakatitig ng mga babaeng ito.

“psh” rinig kong sabi ni Drew.

“bakit?”

“wala.”

Narinig ko namang tumawa si Jayden.

“bakit?”

At itinuro niya gamit ang nguso ang mga lalaki sa harap na bleacher namin.

“bakit ba sila nakatingin sa tin? Gawa nyo ba?”

“hindi ahh.”

“eeh?”

“gawa mo yan. Siguro type ka nila. Hindi mo ba alam na marami kang admirers. Hindi lang kami ni Drew ang sikat ditto pati ikaw.”

“eeh? Talaga?”

“oo, matagal na.”

Talaga?? Amba, at may humahanga rin pala sakin, akalain mo yun.

“OKAY, STUDENTS. KAYA NAMIN KAYO PINATAWAG DAHIL MAY IMPORTANTENG IAANNOUNCE ANG DEAN NG PAREHONG DEPARTMENT”

“Good morning students. This is Mrs. Manalo, College of Business Administration Associate Dean. In behalf of Mr. Manalo, College of Engineering Associate Dean. We decided to sponsor a Vacation Trip to all of you. This vacation trip is for the celebration of our 25th  year wedding anniversary. We will go to Boracay and all expenses is ours.”

“YAHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO.”

O______O

^_____________________________________^

Ang sayaaaaaaaaaaa. Ang bait talaga ng mag-asawang Associate Dean. Ililibre nila kami. Pero sabagay, kanila naman yung resort na pagbabakasyonan namin eeh. Pero ang galing pa rin. Nakita kong nag-up here. Sila Drew at Jayden.

“and we decided na next week na tayo pupuntang Boracay. Kaya mapapaaga ang bakasyon nyo”

Again……

“YAHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO”

Ang sayaaaaaaaaaa. Na talaga.

My Megaphone Man (3M's)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon