Volume 33

20 2 0
                                    

            Ilang weeks na din ang lumipas. At ilang weeks na ding parang hell ang buhay ko. Araw-araw umaatake ang sakit ko. Araw-araw para akong nasa impyerno. Araw-araw natatakot ako. Malimit na din akong umabsent pero excuse naman ako sa klase. Sinabi na rin ni mama sa mga instructors ko yung tungkol sa sakit ko. At kahit sila nag-aalala. Minsan binibisita nila ko. Kinakamusta. Ganun din si Jayden. Araw-araw siyang nasa bahay namin. Sobra siyang nag-aalala sa kalagayan ko. Palagi na rin niya kong pinipilit na magpaopera. Pero I always reject it. Napaka kulit ko no! yung way para mabuhay ako tinatanggihan ko pa. what should I suppose to do? Nagsasawa nab a kayong mabasa yung question nay un? Ako din, nagsasawa na. pero wala akong magawa eeh. Feeling ko may hinihintay ako na hindi ko malaman kung ano.

            Kung nagtatanong kayo about samin ni Drew. well, palagi niya kong kinoconfront pag bigla akong nag-aabsent. Ang sabi ko na lang sa kanya. Sumasama ang pakiramdam ko o naga-out of town ako. Buti na lang at naniniwala naman siya. Yung tungkol naman sa nalaman ko nung nasa jail booth kami, isinekreto ko na lang. Hangga’t maaari ginagawan ko ng paraan para hindi na lumalim pa yung feelings ko sa kanya. Pero mahirap. Sobrang hirap. Palagi ko na lang hinahanap yung presence niya particular yung kaingayan niya. I Miss Him So Much. L

“Aqui..”

“yes, Mommy?”

“nasa baba si Jayden.”

“okay po. sunod na ako”

Obviously, hindi na naman ako nakapasok. Umatake yung sakit ko kanina eeh. Kaya heto. Stay at home ang ending ko.

“uii Jayden. What’s up?”

Nagulat naman ako nung bigla akong niyakap ni Jayden.

“Sophia. kamusta kana? Anong pakiramdam mo? hindi na ba masakit ang ulo mo? okay ka na ba?” I just smiled and faced him.

“okay na ako. Ako pa. yakang yaka yun.”

“Sophia, bakit ba ayaw mong iconsider ang ope-“ I shut his mouth using my finger.

“Jayden. Eto na naman tayo eeh. Hangga’t kaya ko pa. I will not consider that. Pero if hindi ko na kayang magdecide. You and my parents will do the thing. Ihinahabilin ko na sa inyo ang desisyon.”

“Sophia, ano bang sinasabi mo?”

“wala. Tara na nga lang sa garden. “ sabay smile ko.

“ang ganda na ng mga daisy ni Mommy ahh. Tingnan mo Jayden oh.”

“oo nga. Parang ikaw lang.”

“hindi rin. Tingnan mo sila maganda at halatang halata mong hindi malalanta. Hindi kagaya ko, malapit na.”

“Sophia..”

“hahaha. Jayden talaga oh. Masyadong high blood.”

Nagpoker face naman si Jayden. Okay, sabi ko nga. Shut my mouth. Daldal kasi eeh.

“Sophia..”

“hmm?”

“what do you think about Drew?”

“anong tanong yan? Hindi ko magets”

“well, do you feel something for him?”

“J-Jayden. A-Anong S-sinasabi mo?”

My Megaphone Man (3M's)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon