Volume 26

10 0 0
                                    

            Sa paglipas ng araw, mas napapalapit ako sa magpinsan. Kagaya ng sinabi ni Jayden, itinuloy nya parin ang pagsuyo sa akin kahit na alam niyang malaki ang possibility na wala siyang mapapala. Eto namang si Drew, palagi na lang ding nakabuntot sa akin. Hindi niya ako iniiwan hanggat hindi pa ako nakakauwi. Hindi ko alam kung anong meron sa kanya kung bakit nagkakaganun siya. Pero isa lang ang alam ko. Masaya ako dahil nandyan sila. Masaya ako dahil nandyan siya.

Naglalakad ako papunta sa tambayan ng biglang ng vibrate ang cellphone ko.

One Message Receive.

Open…

Fr: Megaphone:D

Yow! Yow! Yow! Aqui. Pasensya na hindi ako makakapasok ngayon. Nagout of town ang family namin. Ibinuntot ako, hindi naman ako makatanggi. Ingat ka jan. mamimiss kita xD. See you soon. Mwuahh Mwuahh. (end of message)

Anong mwuahh mwuahh.? Abnormal talaga yun. Nauusuhan pa ng ganun. Kilabutan sana siya minsan. Kakaalibadbad.

So ganun, walang maingay ngayon. Walang magulo ngayon. Walang megaphone man ngayon. Walang Drew ngayon. Wow, mukhang magiging tahimik ang araw ko ngayon ahh. Mukhang magiging peaceful, panatag, relax, smooth flow, at Boring. Haay. Nakakasanay rin pala ang presence ng maingay na yun.

“pssst?” lumingon naman ako sa sumitsit sa akin.

“anong kailangan mo?”

“wala naman. Sige layas na.”

“hmmm. Wala ka ba talagang magawa sa buhay mo? Kung ganun, wag mo akong idamay sa kalokohan mo. Farra, pinagbibigyan lang kita pero pag may ginawa ka na namang hindi maganda sa akin. Be ready to face the consequences.” Tsaka ako naglakad paalis sa babaeng yun.

Wala na talagang magawa sa buhay. Masyado siyang obsessed kay Drew. nakakaawa siya.

Isang boring na klase ang lumipas. Ni walang nagsink in na panibagong knowledge sa utak ko. Ano bang nangyayari sa akin.? Wala akong sa mood.

“Sophia, uuwi ka na ba?”

“mukhang ganun na nga. Gustong kong matulog”

“gusto mo hatid na kita?”

“wag na. alam kong may gagawin ka pa. narinig kong kelangang imeeting ang mga transferee about sa mga paper works nyo. Umaattend ka na lang don. Mas mahalaga yun. Kaya ko namang umuwing mag-isa”

“sigurado ka ba?” tumango naman ako.

“siya sige Sophia. See you tomorrow.”

“sige”

Anong klaseng araw to. Napaka boring. Maigi pang umuwi na nga lang talaga ako.

Ilang meters palang ang layo ko sa campus ng may humarang sa akin.

“ano na namang kailangan mo?”

“ alam mo Aqui. Wala pang sumubok na pahiyain ako ng ganun sa harap ng maraming tao. Ano bang tingin mo sa sarili mo? Magaling, maganda, malakas? Hindi mo alam ang kinakalaban mo Aqui. Kung ako sayo lalayo na ako.”

My Megaphone Man (3M's)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon